CHAPTER 42

131 12 5
                                    

Kakatapos lang ng shift ko at namimili ng susuotin ko para sa pagpunta sa bahay ng GF ni Lucas. Matapos ng tatlong minuto ay napili kong suotin ang puting dress na may maliliit na disenyong bulaklak. After ko mag bihis ay nag lagay ako ng light make up saka lumabas ng office. Dumeretso ako sa parking lot at binuhay ang makina saka dali-daling pinatakbo.



Dadaanan ko pa sa bahay si Lucas at Scarlet dahil may pupuntahan kami. Si Lucas kasi ay pinapapunta ni Kathlyn sa kanila para ipakilala siya sa pamilya nito. Sure ako na kinakabahan 'yon si Lucas. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng hindi magustohan ng magulang ng taong mahal mo. Ayaw ko rin naman na magaya sa akin si Lucas kaya hiling ko sana ay matanggap siya ng pamilya ni Kathlyn.







Nang makarating ako sa harap ng bahay ay tinawagan ko si Lucas na nandito na ako sa labas. Ilang minuto lang ang lumipas ay natanaw ko na sila papalabas ng gate saka sumakay. Si Scarlet ay nasa backseat samantala si Lucas ay nasa passenger seat. Inantay ko na maayos nila ang seat belt saka pinaandar ang sasakyan. Nilagay ni Lucas ang phone niya sa harap kung saan nakalagay ang location namin at ang location ng pupuntahan.



Tahimik namin binaybay ang daan patungo sa bahay ng pamilya ni Kathlyn. Pansin ko na hindi mapakali si Lucas nang mapansin nitong malapit na kami. Si Scarlet naman ay tulog sa likod.



"Kalma lang" saad ko dahilan para mapatingin sa akin si Lucas.

"Kinakabahan ako" saad nito sa akin.

"Normal lang yan. Wag ka mag isip ng kung ano-ano. Natural lang na maghigpit ang magulang lalo na babae si Kathlyn" saad ko at ngumiti sa kanya.

"Diba naranasan mo na mapakilala sa magulang. Ano pakiramdam?" tanong ni Lucas. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil ngayon ko lang siya nakausap ng ganito. Kung madalas ay puro tango at iling ang sagot nito, na ngayon ay kinakausap na ako.

"Iba kasi ang sitwasyon noon sa ngayon. Depende sa pag iisip ng magulang" saad ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong nito. Oras naman na siguro para malaman ni Lucas ang totoong dahilan ko.

"Noong pinakilala ako ni Henrich sa magulang niya, hindi ako nagustohan ng step mom niya" saad ko.

"Gusto nila, dapat kapareha mo sila. Mataas ang estado ng buhay. Kinikilala ang apelyido. Alam mo naman kung ano ang estado ng buhay natin noon diba?" saad ko.

"Yung step mom ni Henrich ay pinapalayo ako. Dahil kung hindi, may hindi magandang mangyayari" dagdag ko pa.

"Saktong nasugod si lola sa hospital. Nakatanggap ako ng mensahe mula sa step mom ni Henrich na hindi lang 'yon ang aabutin ng pamilya natin. Ayon ang rason bakit umalis tayo sa puder ni Henrich" pagkukwento ko at pilit inaalala ang lahat ng masasakit na pangyayari sa nakaraan.

"Hindi nakuntento ang step mom ni Henrich. Hinihiling nito na hiwalayan ko si Henrich. Wala akong ibang choice kundi piliin ang mas ikakabuti nating lahat. Umalis ako ng bansa at isinama ko si lola para makapag pagaling siya 'yon. Tiniis ko lahat" dagdag ko pa at ipinarada sa gilid ang ang sasakyan.

"Alam mo kung ano ang mas masakit?" tanong ko kay Lucas na nakatingin sa akin.

"Yung kahit alin ang piliin ko, mali para sa paningin niyo. Kahit gawin ko ang lahat ng makakaya ko, hindi niyo nakikita lahat ng sakripisyo ko" saad ko at mapait na ngumiti. Tahimik lang na nakatingin sa akin si Lucas at bakas sa mga mata nito ang pagsisisi.

"Ang mali ko noon. Hindi ko manlang naipag laban yung taong mahal ko" saad ko.

"Wag mo uulitin yung pagkakamali ko ha. Sa huli, hahabulin ka ng nakaraan" saad ko at saka bumaba sa sasakyan. Binuksan ko ang back seat para sana gisingin si Scarlet pero hindi ko napansin na gising pala ito.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now