CHAPTER 33

108 14 5
                                    

"Sophia Smith"


Napatayo ako nang tawagin ang pangalan ko sa harap. Itinulak ko ang wheel chair ni Lola samantala nasa likuran ko si tita kasama ang amo ko. Umakyat kami sa stage at pinagitnaan nila kami ni lola.



"Sophia Smith receives Most Outstanding Medical Graduate, Leadership Award, Medical Research Award, and Eric Nubla Excellence Award" pag announce ng emcee.



Nagpalakpakan ang lahat at nakipag kamay ako isa-isa. May tig iisang hawak na kmedalya ang amo ko, si tita at si Amelia. Sila ang nag suot non sa akin at muli ay humarap kami sa camera. Si lola naman ang may hawak sa certificate ko.



Nang makababa kami sa stage ay niyakap ko sila isa-isa at hindi ko mapigilang mapa-iyak dahil sa saya ng nararamdaman ko. May parte sa akin na nalulungkot dahil hindi ko kasama ang mga kapatid ko. Pati ang taong pinakamamahal ko.



Limang taon.

Limang taon ang lumipas at wala ako naging balita mula kay Henrich. Last year ay panay tawag si Hera kay tita at nangungulit na makausap ako pero hindi ako pumayag dahil alam ko naman na pababalikin nila ako. Magtatalo lang kami. Ngayon na nakapagtapos na ako ng pag aaral ay maaari ko na silang makausap. Nakapag ipon na ako ng pera at nakabili ako sa pilipinas ng sariling bahay at doon nakatira sila Lucas sabi ni tita. Si Tricia na dating nag alaga kay lola ay naroon din para magbantay kila Lucas. Binabayaran ko ng malaki si Tricia para hindi siya makatanggi. Malaki ang sahod ko kapag na-i-convert sa pilipinas. Sobrang laki rin ng naitulong sa akin ng amo ko. Si Amelia naman ay malaki na rin at hindi na siya kailangan na bantayan gaano. Hinahatid sundo ko lang si Amelia at nag lilinis na lang ako sa bahay nila bilang work ko. Ako rin ang gumagawa ng breakfast at dinner nila.



"We're proud of you, Sophia" saad ni Mrs. Thompson at yumakap uli sa akin.

"Ate Phia. Are you going to bring your siblings na? I badly want to be friends with them" saad ni Scarlet.

"I haven't talked to them yet, Amelia. We'll see" saad ko at ngumiti sa kanya.

"Sophia!" pagtawag ni Jamaicah sa akin at yumakap. Ganon din si Vanessa at nag picture-picture kami.

"Let's take a picture! I'll call Monique" saad ni Vanessa.



Maya-maya pa ay narinig na namin ang boses ni Monique mula sa video call. Kumaway kami sa kanya at nakipag kamustahan. Mukhang bagong gising pa si Monique dahil gabi ata ron sa pilipinas. Nag ayos pa siya saka nito kinuha ang graduation cap niya at itim na toga saka sinuot. Nag picture kaming apat through video call.



Nauna nag graduate si Monique sa pilipinas dahil mas nauna ito mag aral sa amin. Sadyang kami ang magkakasamang irreg sa california. Noong una kaming magkakilala ay lahat kaming apat ay transferee. Pare-parehas din kaming irregular. May mga subject na magkaka klase kami at doon kami naging close apat.



"Hoy, bakit mo inuwi yang toga at graduation cap niyo" saad ko kay Monique. Tumawa lang si Moique at sinabing inuwi niya lang ang toga niya kahit bawal. Kagaya ng ganap noon muli ay umikot ang mata ng dalawang hindi nakakaintindi ng tagalog.

Follow Your Heartbeat (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu