CHAPTER 41

115 13 3
                                    

Mabilis na lumipas ang araw at tatlong araw na ang lumipas nang huli kong makausap si Dyn. Gusto ko siya makausap sana kaso nahihiya ako sa ginawa kong pag iwan sa kanya. Narito kami nila Yasmin sa isang tea shop dahil nag aya si Hera at libre raw niya. Basta libre siyempre hindi ako tatanggi.



"Konti lang naman tayo ron" saad ni Hera.

"Sayang leave ko tapos isang araw lang" reklamo naman ni Monique. Yup, kasama si Monique. Close niya na rin sila Hera nang ipakilala ko sila sa isa't isa. Madali nilang nakasundo si Monique pero madalang sumama si Monique dahil busy ito.



Next week ay kaarawan ko na at balak ko magpa-party. Actually sila nagpumilit na mag party na lang kesa sa hindi mag celebrate. Wala naman akong magawa dahil lahat ng friends ko ay party goer. Lahat sila ay magkakasundo kapag usapang party kaya pumayag na lang din ako.



"Si Dyn, hindi mo iimbitahan?" tanong ni Yasmin.



Nagka-tinginan kaming apat at bagsak balikat akong napasandal sa upuan ko. Mukhang alam nila ang sagot sa tanong nila mismo dahil kanya-kanyang nagsi lukot ang mga mukha nito.



"Amin na phone mo" saad ni Yasmin at nilahad ang kamay nito pero umiling lang ako.

"I-text nga natin eh" saad nito.

"Ayon nga ang problema eh. Kayang-kaya ko naman siya i-text ang kaso nahihiya ako" saad ko.

"Ngayon ka pa nahiya eh nakapag kita nga kayo nakaraan" saad ni Hera.

"Ayon nga eh. Ang pangit ng nangyari nung nakaraang araw kasi may emergency sa hospital. Ayon, wala akong choice kundi iwan siya. Ngayon nahihiya ako"saad ko.



Samo't saring reklamo ang narinig ko sa dalawa maliban kay monique na alam kong hindi sang ayon sa ginagawa namin. Kahit naman na hindi niya sabihin ngayon sa harap namin na ayaw niya ang ginagawa namin ay mahahalata mo pa rin sa kanya.



Patuloy kami sa pag uusap hanggang sa maubos ang oras ng breaktime namin ni Monique. Dumeretso kami sa hospital kasama si Hera at Yasmin.



Naglalakad kami pabalik sa hospital pero patuloy ang pagrereklamo ni Yasmin. Si Yasmin ang pinaka nagpupush ang patungkol kay Dyn. Pero ginusto ko rin naman.



Habang papasok kami sa hospital ay natanaw ko di kalayuan si Dyn. Nakayuko itong naglalakad pasalubong sa amin. Ramdam ko ang tingin sa akin ni Monique na parang ayaw niya sa naiisip kong balak.



Patuloy lang kami sa paglalakad pero dahil clumsy si Yasmin ay nagkabungguan sila ni Dyn. Umangat ang tingin ni Dyn kay Yasmin at yumuko saka nag sorry.



"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo!" inis na saad ni Yasmin.



Napakamot ng ulo si Dyn at tinulungan na kunin ang mga gamit ni Yasmin na nahulog. Nang mag angat ito ng tingin ay nagtama ang mata naming dalawa. Inabot niya kay Yasmin ang lahat ng gamit at saka ito lumapit sa akin na may ngiti sa kanyang labi.



"Dr. Smith!" saad nito.

"Dyn" saad ko at ngumiti. Pansin ko ang pagkawala ng inis sa mukha ni Yasmin nang marinig niya ang pangalan ng lalaking nakabanggaan niya.

"Pasensya na hindi ako nag message sayo nakaraan. Medyo busy eh, pwede ka makausap saglit?" tanong nito.

"Ah sige, pwede naman. Pero saglit lang kasi may work pa ako" saad ko.

"Dito na lang kayo mag usap" suhestiyon ni Yasmin dahilan para mailang si Dyn.

"Kaya nga" gating ni Hera.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now