CHAPTER 25

138 17 3
                                    

Sophia's POV


Months passed quickly at masasabi kong maayos ang lahat. Patagal nang patagal ay mas lalo kong minamahal si Henrich. Hindi na kami nag stay sa bahay na inuupahan namin noon dahil nakiusap si Henrich sa akin na sa kanya kami tumira. Binayaran na rin lahat ng utang sa upa kaya nakapaglipat na kami agad.



Sobrang swerte ko kay Henrich kahit na hindi ganon kaganda simula naming dalawa. Kapag nag celebrate kami ng monthsary ay simple lang. Kakain sa labas or mag movie marathon. Kung minsan ay tatambay kami sa lugar na kung saan naging kami. Hindi ko rin maitatanggi na may nangyayari sa amin lalo na pag kaming dalawa lang. Sobra-sobra naitulong sa akin ni Henrich dahil noong nag birthday mga kapatid ko pati si lola Flora ay siya ang gumastos. Si Hera at Marco naman ay naging sila rin. Si Yasmin ay umalis nanaman ng bansa. Nalulungkot din ako para kay Brylle. Ang bata pa kasi ni Yasmin para kay Brylle, pero wala akong magagawa. Hindi naman ako against sa pagkakagusto ni Brylle kay Yasmin pero sa age ni Yasmin ay deserve niya na mag explore pa. Kahit pa mature siya kung mag-isip ay bata pa rin naman siya.



Sobrang dami ng nangyare sa loob ng 11 months. Maging ako ay hindi ko aakalain na tatagal kami ng ganito ni Henrich. Maalaga siya at hindi ako pinapabayaan. Since ang pasok ko sa coffee shop ay 5am, gumigising din siya ng maaga para lang maihatid ako tapos doon na siya nag uumagahan at inaantay ako na matapos sa trabaho at sabay kami uuwi. Pag uwi naman namin ay ihahatid niya mga kapatid ko sa school. Isa lang ang masasabi ko. Sobrang swerte ko kay Henrich.



Sa ngayon ay nandito ako sa salon dahil dinala ako ni Henrich dito. Kailangan ko raw mag prepare dahil bukas na ako ipapakilala ni Henrich sa parents niya. Anniversary ng parents niya bukas may kakaunting salo-salo raw na magaganap. Sabi ni Henrich sa akin ay hindi naman daw siya madalas isama sa ganito noon pero gagamitin niya raw itong chance para ipakilala niya ako.



"Oh ayan! Fresh na fresh ang señora" saad ni Fidel. Yung bakla na madalas mag asikaso sa akin kapag dinadala ako ni Henrich dito.

"Thank you" saad ko at saka pumunta sa kung saan naka upo si Henrich. Kanina niya pa ako hinihintay na matapos. Pinapanood niya lang din ako at wala man lang bakas ng pagkabagot.



Nang makalapit ako sa kanya ay tumayo ito at ibinuka ang braso niya. Naintindihan ko naman ang gusto niyang iparating kaya kumapit ako ron.



"Tara na?" tanong nito kaya tumango ako. Bitbit niya ang ilan sa pinamili namin, actually puro sa akin nga lang 'yon eh. Binilhan niya ako ng damit para may maisuot ako bukas.



Pagdating namin sa bahay ay nag asikaso ako. After ko rin gawin lang ng mga dapat kong gawin ay inantay ako ni henrich para sabay kami matulog. Ayaw niya rin na mag puyat ako para raw fresh ako bukas pag mameet ko na parents niya.



Nandito ako sa guest room na binigay sa akin ni Henrich. Nakahiwalay ako sa mga kapatid ko at kay lola dahil ayaw rin ni Henrich na sa lapag ako matulog kaya ito, binigyan ako sariling kwarto. Halos lahat ay si Henrich gumagastos pati sa pagkain, mga gagastusin sa project ng mga kapatid ko sa school at pati sa pagiging varsity ni Lucas. Halos lahat ay siya na gumagawa na dapat ay ako. Sa tution fee naman ay wala dahil sa scholarship ng mga kapatid ko.



Pilit kong pinakalma ang sarili ko at inalis sa isipan yung takot na makikilala ko pamilya ni Henrich. Hindi ako mapakali, syempre pamilya niya 'yon. Nagtalukbong ako ng kumot at ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa di ko mamalayang makatulog ako.



Nagising ako dahil sa mahinang tapik sa pisngi ko. Dahan-dahan ko minulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang mukha ni Henrich na basa ang buhok at walang damit pang itaas. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko saka hinila paupo.



"Sarap ng tulog ah. Mag asikaso ka na, aalis na tayo" saad ni Henrich.



Napalunok ako at agad na nanumbalik ang kabang nararamdaman ko. Balak niya na akong ipakilala noon pero hindi matuloy-tuloy sa dami nang ganap.



"Hey, kalma lang baby" saad ni Henrich at hinawakan magkabilang pisngi ko at iniangat para magpantay ang paningin naming dalawa.

"Ako bahala sa'yo" saad nito at ngumiti.

"Kinakabahan ako. Paano kung hindi nila ako magustohan?" tanong ko.

"Magustohan man o hindi, wala silang karapatan sayo. Ako ang magmamahal, hindi sila. Kaya ako ang pipili ng babaeng ihaharap ko sa lahat" saad ni Henrich at pinatakan ako ng halik sa noo.

"Mag ayos ka na"saad ni Henrich at lumabas. Tumayo ako at hinanda lahat ng gamit ko. Pagkatapos ay naligo ako at nagsuot ng puting roba saka pinatuyo ang buhok. Nag apply ako ng light make up na itinuro sa akin ni Fidel. After ay inayusan ko na rin ang buhok ko saka nagbihis.



Nang matapos na ako mag ayos ay bumaba ako. Naabutan ko si ate Tricia na pinapakain si lola. Siya yung kinuha ni Henrich na mag alaga kay lola.



Ngumiti ako kay lola nang makita siyang nakangiti sa akin. Hinalikan ko siya sa pisngi at nagpaalam na aalis kami ni Henrich. Kinwento ko kay lola na ipapakilala ako ni Henrich sa mga magulang niya. Sobrang laki ng ngiti niya nang sabihin ko 'yon sa kanya. Sila Scarlet naman ay tinutukso ako.



Lola mauna na po kami. Lucas, bantayan mo si Scarlet. Kailangan sabay kayong uuwi" saad ko.

"Yes ate. Isasabay raw po kami ni kuya Marco" saad nito at ngumiti ng tipid.



Natawa na lang ako sa hitsura ni Lucas. Pano nalungkot siya nang malaman na naging BF ni Hera si Marco. Crush pa naman ni Lucas si Hera noon pa. Pero sabi ni Lucas papayag na lang siya kasi mabait naman daw si Marco.



"Osige mag iingat kayo pag pasok. Mag aral ng mabuti ha. Ate Tricia ikaw po muna bahala kay lola" saad ko at ngumiti.

"Opo. Mag iingat kayo ma'am, sir" saad ni ate Tricia at ngumiti.



Inalalayan ako ni Henrich na makasakay sa passenger seat saka umikot at sumakay siya sa driver seat. Nang makasakay siya ay ngumiti siya sa akin at hinalikan ang likod ng palad ko saka binuhay ang makina ng sasakyan.



Habang nasa biyahe ay hinawakan niya ang kamay ko na nanlalamig at marahan niyang hinimas yon ng hinlalaki niya.

"Kalma lang. Andon ako. Hindi kita papabayaan. Kung gusto mo after kita ipakilala, uwi na rin tayo agad" saad ni Henrich.

"Hindi na, special day yon ng parents mo. Dapat nandon ka kasi inimbitahan ka" saad ko at ngumiti.

"Umidlip ka muna diyan. Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo" saad ni Henrich.



Huminga ako ng malalim at nagdadasal sa isip ko na sana ay tanggap ako ng pamilya niya. Magkalayo ang estado ng buhay namin ni Henrich. Walang magandang background ang family ko at baka hindi nila magustohan kapag nalaman nila na sa loob ng 11 months ay umaasa kami sa tulong ni Henrich. Hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam ng lungkot at hiya kapag isinumbat iyon sa akin. Sana mababait sila. Sana lang.



Thanks for reading.





"𝑺𝒕𝒂𝒚 𝒍𝒐𝒘 𝒌𝒆𝒚. 𝑵𝒐𝒕 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆 𝒏𝒆𝒆𝒅𝒔 𝒕𝒐 𝒌𝒏𝒐𝒘 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒃𝒐𝒖𝒕 𝒚𝒐𝒖."

- 𝓜𝓻𝔂𝓸𝓼𝓸𝔀

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now