CHAPTER 55

99 9 4
                                    

Sophia's POV 


Limang araw na ang lumipas nang magkahiwalay kami ni Dyn. Hindi ko sinabi kila Hera ang lahat pero sinusubukan kong gumawa ng paraan para makausap si Monique. Siya ang nagsabi kay Dyn nang lahat. Alam kong mali ang ginawa ko pero hindi iyon ang rason para i-kwento ang lahat. Wala siya sa lugar para sabihin ang buhay ko. 



Mula nang namaalam kami ni Dyn sa isa't isa ay pinakuha ko kay Lucas mga gamit ko. Ang alam ng lahat ay kami pa rin ni Dyn. Ang ginawa kong rason ay nahihiya ako lalo na sa parents ni Dyn na sa iisang bubong kami nakatira kaya umalis ako ron. 



Araw-araw ay wala akong gana at iniisip ko ay ang mga nagyayari. Sobra akong nilamon ng lungkot dahil sa mga nangyari. Gulong-gulo ang isip ko pero alam kong tama lang ang ginawa ko na tapusin ang kung ano mang meron sa amin ni Dyn. Sa ngayon siguradong hindi ko talaga minahal si Dyn. Tama si Monique na ang nararamdaman ko para kay Dyn ay dahil sa pangungulila ko kay Henrich. Tanging ang puso ni Henrich lang ang dahilan kung bakit ko pinilit ang sarili ko kay Dyn. 



Ngayon ay nagpaalam ako na mag off at pinayagan naman ako. Nakipag exchange ako ng day off dahil hindi ko talaga kayang kumilos ng maayos. Sa ngayon ay patungo ako sa sementeryo para bisitahin si Henrich. Akala ko tanggap ko na ang lahat pero mali pala ako. Hanggang ngayon ay siya pa rin talaga. Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap na wala na siya.



Nakasakay ako sa sasakyan ko at binabaybay ang daan patungo sa sementeryo. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na paulit-ulit puntahan ang mga lugar na madalas namin puntahan noon. Palagi ko siyang naaalala at hinihiling na sana hindi ko na lang siya iniwan. Sana hanggang ngayon ay magkasama pa kaming dalawa.



Huminto ako sa flower shop at muling bumili ng bulaklak. Ngumiti sa akin ang bata at close na rin kami nito dahil dito ako palaging bumibili sa tuwing binibisita ko si Henrich sa libingan. Nakwento ko na rin sa kanya ang nangyari at ang batang ito rin ang nagsabi sa akin na ihinto ko na ang relasyon ko sa lalaking hindi ko naman mahal. Mas lalo akong mahihirapan kung ganon.



"Ano ate? Kamusta? Nagawa mo ba?" tanong niya kaya tumango ako.

"Tama lang yan ate. Mahirap ipilit ang sarili sa taong hindi mo naman nakikita na makakasama mo sa hinaharap" saad ng bata at ngumiti.

"Tsaka kawawa yung lalaki ate eh. Kasi pinili mo lang siya dahil sa kanya mo nararamdaman yung mga bagay na ginagawa sa 'yo noon ng lalaking mahal mo. Naging panakip butas ba parang ganon" saad ng bata at inabot sa akin ang bulaklak nang matapos niya itong i-arrange.

"Tsaka ate, pangit 'yon. Yung papasok ka sa relasyon kahit hindi ka pa move on sa una mo" saad nito. Nagpasalamat ako sa bata at nagpaalam na rin kami sa isa't isa. Noong una nga ay hindi ko akalain na ganyan kalalim mag isip ang batang iyon eh. Mas magaling pa ang bata sa akin pag dating sa pag ibig.



Muli akong bumalik sa sasakyan ko at pinatakbo patungo sa libingan. Hindi naman gaano kalayuan ang shop sa libingan kaya halos tatlong minuto lang ay nakarating na ako. Pagbaba ko ay kumaway sa akin ang nagbabantay kaya lumapit ako ron at binigyan ng panghapunan.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now