CHAPTER 34

115 12 7
                                    

4 months passed at nahinto ako sa pag tatrabaho kila Amelia. Nagtatrabaho na ako sa hospital kasama sila Vanessa at Jamaicah. Kumikita rin ako ng mas malaki at mas nakakaipon na rin kami. Si lola ay nagpupumilit na bumalik na raw kami sa pilipinas dahil miss niya na ang mga kapatid ko.



Nakakausap niya ang mga kapatid ko pero ako ay hindi ko pa sila kayang harapin. Kolehiyo na si Lucas at ang kinuha niya ay BSAE (Bachelor of Science in Aeronautical Engineering). Malaki ang perang kailangan para sa pag-aaral ni Lucas kaya hindi dapat muna ako umuwi.



I conviced lola Flora na mag stay kahit saglit at saka kami babalik sa pilipinas once may business na kami. Sinabihan ko nga siya na kahit siya na lang ang umuwi sa pilipinas pero ayaw niya naman daw ako maiwan dito. Sila tita kasi ay umuwi sa pilipinas kasama ang mga anak nito at kami lang ni lola ang naiwan.



Si Amelia naman ay mas lalong napalapit sa akin. Parang magkapatid na kaming dalawa kung titignan. Magkakaroon na rin ng kapatid si Amelia dahil 2 months na nagbubuntis si Mrs. Thompson. Ako na rin ang nag c-check sa kalagayan ni Mrs. Thompson dahil busy ang asawa nito sa hospital.



Ngayon ay nasa mall kami nila Vanessa at Jamaicah para mag celebrate. Si Vanessa kasi ay naging successful ang unang surgery na siya mismo ang gumawa.



Actually ay break namin at naisipan lang na sa labas kakain. Nag mamadali lang kami na makakain saglit at mag celebrate kaya nakasuot pa kami ng lab gown. Si Vanessa ay naka scrubsuit at lab gown pa. Sa totoo nga niyan ay bawal gumala ng naka lab gown at scrubs. Pero saglit lang naman kami.



Pumasok kami sa isang café at bumungad ang amoy ng kape nang makapasok kami. Marami ang tao pero hindi naman crowded. Umorder kaming tatlo habang nag uusap.



"Excuse me! I want strawberry frap, blended with strawberry inclusions. Uhmm...add extra whip" saad ng isang pamilyar na babae.

"Can also add strawberry pure and strawberry inclusions on top" dagdag nito.



Humarap ang babae sa akin nang nakangiti pero nawala ang ngiti niya nang magtama ang mata namin. Tinitigan ko ang mukha nito na nag mature at naging kulay abo ang mga buhok nito. Nakalagay sa ulo niya ang sunglassess at may bitbit na maliit na bag. Nakasuot ito ng maxi dress at mas tumangkad siya.



Tumingin siya sa lab gown na suot ko at binasa ang nakasulat sa left chest ko. Bumuka ang labi nito nang basahin niya ang pangalan ko at kung saang hospital ako nagta-trabaho.



"Sophia?"

"Yasmin?"



Sabay na saad naming dalawa. Muli ay nagkatinginan kami pero siya ay nakakunot ang noo habang may bahid ng galit ang mga mata nito na naka tingin sa akin.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now