CHAPTER 14

148 20 0
                                    


Nagising ako nang maramdaman kong para akong nakalutang. Bumilis ang tibok ng puso ko at tinulak ko ang lalaking may buhat sa akin pero  agad din akong napatigil nang magtagpo ang mga mata namin. Hindi ito umimik at inilapag ako sa malambot na kama. nang maalala ko ang lahat ng nangyari ay kusang nagbagsakkan ang luha ko.



"Gusto mo ba maligo?" tanong nito. Tumango ako bilang sagot. Pinunasan niya ang luha ko bago siya nagtungo sa banyo.



Ilang minuto siyang nanatili ron bago niya ako sinabihan na pwede na ako maligo. sinabihan niya rin ako na tawagin ko siya kapag may kailangan ako. Lumabas ito ng pinto kaya pumasok ako sa banyo. Nakaready ang pampaligo ko kaya inilubog ko ang katawan ko sa maligamgam na tubig sa tub. Kumuha ako ng sabon at kinuskos ang balat.



Nagbagsakan ang lahat ng luha ko at nag simulang humikbi habang patuloy sa pag kuskos sa balat ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nag hihilod pero hindi pa rin ako tumigil. Narinig ko rin ang iilang katok sa labas ng banyo pero hindi ako ako kumibo. panay ang pag iyak ko habang kinukuskos ko katawan ko.



Nabitawan ko ang panghilod at napatingin sa pinto. Bumungad ang mukha ni Henrich na may bahid na pag aalala. Kumuha ito ng malinis na tuwalya at itinabon sa akin habang dahan-dahan akong inahon sa tub. Bumaba ang tingin niya sa leeg ko at sa braso ko. Napatingin din ako sa salamin dito sa loob ng banyo at pulang pula ang ilang parte ng katawan ko. May mga gasgas na rin ang balat ko kakahilod ng sobra.



"Calm down. Wala siya rito, Sophia. Hindi ko hahayaan makalapit uli 'yon sa'yo" saad nito at inayos niya ang pagkakatakip sa katawan ko ng tuwalya.



Inalalayan niya ako lumabas sa banyo at inupo ako sa kama. Kumuha ito ng makapal na hoodie at mahabang pajama. Habang nakapulupot sa katawan ko ang tuwalya ay pinatong niya ang jacket at siniguradong hindi ako makikitaan. Pagkatapos niya isuot ang jacket ay lumabas ito dahil may gagawin daw siya saglit. Nang makalabas siya ay sinuot ko ang pajama na binigay nito at humiga sa kama. Niyakap ko ang unan at nagsimulang umiyak uli.



"Sophia, wake up. Breakfast is ready na"



Naalimpungatan ako nang may nagyugyog sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Henrich na may pasa sa kaliwang mata at putok ang labi nito. Dahil sa pagkataranta ay tumayo ako. Muling bumagsak ang ulo ko sa kama at napadaing dahil sa sakit ng noo ko. Tumama ang noo ko sa ilong nito kaya mas nakonsensya ako.



"Mas masakit pa untog mo kesa sa sapak ni Gael" saad nito at ngumiwi. Napahawak ito sa ilong niya at hinimas-himas.

"Sorry" saad ko at umupo.



Napatulala ako sa puting pader at paulit-ulit na nag flash sa isipan ko yung nangyari kagabi. Nabalik ako sa huwisyo nang may humawak sa pisngi ko. Pinunasan ni Henrich ang luha ko at umasim ang mukha nito.

Follow Your Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon