CHAPTER 20

144 19 1
                                    


Kakatapos ko lang pakainin si lola ng tanghalian. Binaba ko ang wheel chair ni lola at inalalayan ko siya makababa ng hagdan. Buhat ko si lola sa likod ko at dahan-dahang naglakad pababa.



Napahinto ako sa pagbaba nang magtama ang mata namin ni Henrich. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin at nilapitan ako.



Walang pasabing kinuha nito sa likod ko si lola at binuhat pababa. Bumaba ako at hinanda ang wheelchair ni lola.



Pagkababa niya sa hagdan ay inupo niya si lola sa wheelchair. Nakuryente ang kamay ko nang madikit ito sa kamay niya kaya iniwas ko ito.



"Sa susunod manghingi ka ng tulong. Pano kung nahulog kayo" saad nito pero hindi ko ito pinansin at dali-daling lumabas kasama si lola. Nilibot ko si lola sa hardin ni Henrich. Maganda ang klima ngayon. Mahangin at maganda sinag ng araw. Hindi masakit sa balat.



Nagtagal pa kami ni lola bago naisipang pumasok sa loob. Nakahinga ako nag maluwag dahil wala na si Henrich sa sala. Nanood kami ni lola at inaliw siya para naman hindi siya maburyo. Nag walis din ako at inayos ang ilang kalat na naiwan ni Henrich sa sala.



Napahinto ako sa paglilinis nang may mag doorbell. Lumabas ako at naabutan ko si Marco na may kasamang magandang babae. Pinagbuksan ko sila at nginitian.



"Si Henrich?" tanong ni Marco.

"Nasa kwarto niya ata" saad ko.



Pumasok sila ng babae sa loob ng bahay at pinaupo ko sila sa sala. Nagpatulong ako kay Marco na dalhin si lola sa kwarto at tinulungan niya naman ako.



"Lola okay lang ba kung maiwan kita? Maglilinis pa ako sa baba" saad ko at ngumiti naman ito.

"Saglit lang po ako"saad ko at hinalikan siya sa pisngi. Inayos ko ang pagkakahiga ni lola at ang kumot nito saka bumaba.



Pagbaba ko ay naabutan ko si Henrich at yung babae na magkayakap. Napakunot ako dahil mukhang close ang dalawa. Baka gf niya yan. Ang ganda, bagay sila.



Hindi ko sila pinansin at ipinagpatuloy ang pagwawalis. Naghugas din ako ng mga pinggan at nilabas ang mga basura.



"Sophia, mauna na ako ha" saad ni Marco at lumabas na.



Pagbalik ko sa loob ay nandoon ang babae at nakikipag tawanan kay Henrich. Matinis ang boses nito at nakikipaglaro kay Henrich sa xbox.



'Talo ka!' tuwang-tuwa na saad ng babae at ngumiti lang si Henrich. Saglit pang nagtama ang mata namin pero umiwas ako at kunyareng may ginagawa.

Follow Your Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon