CHAPTER 46

110 11 4
                                    

Isang linggo na ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi ko inaakalang bubuksan kong muli ang puso ko para kay Dyn. Nalaman din ng mga kaibigan ko ang patungkol sa relasyon namin ni Dyn at masaya naman ang mga ito para sa amin pero maliban kay Monique. Hindi ito natuwa nang malaman niyang naging kami ni Dyn. Naging mailap din siya at kung kakausapin niya man ako ay puro patungkol sa trabaho. 



"D-Doc! May pag asa pa ba na gumaling ang anak ko?" mangiyak-ngiyak na tanong ng ina ng pasyente ko.



Sa tuwing nakakasaksi ako ng ganito ay nalulungkot ako. Kaming mga health care workers ay hindi pwedeng mag bigay ng false hope. Hindi mo pwedeng paasahin ang tao na may pag asa pang humaba ang buhay nila kahit wala na talaga.



"Please, save my son" saad ng ina habang walang tigil sa pag iyak. I shook my head and I pat her shoulder to give her a comfort. Inlalayan kong makaupo ang babae habang walang tigil sa pag iyak. Maya-maya lang ay dumating ang ibang kamag anak ng nanay at inalalayan ito. Lahat sila ay halos hindi makapaniwala at nagsihagulgol ang mga ito.





Nag paalam ako sa kanila at dumeretso sa ibang pasyente ko. Saktong pag pasok ko sa isang room ng patient ko ay naabutan ko si Monique. Nagtama ang mga mata namin at dali siyang nag iwas. Nagpaalam na ito sa pasyente at walang kibong dumaan sa gilid ko at lumabas. I let out a sigh before approaching the patient and checked for its data. After ko macheck, I instruct the patient to not to eat for preparation niya sa surgery. Si Monique ata ang mag perform ng surgery kaya siya narito kanina.



Sinabihan ko ang nurse na i-check ang vital signs ng pasyente every 2 hours at i-report agad kung may changes. Baka kasi mag react ang katawan ng pasyente sa gamot na ipinasok sa katawan niya. 



After ko macheck ang mga pasyente isa-isa ay sinubukan kong lapitan si Monique. Narito ako sa labas ng operating room at hinihintay si Monique para sana makausap ito. Matapos ng ilang minutong paghihintay ay dumating na ito. Nakasuot na ito ng scrubs at may suot na rin itong sterile gloves. Nang makita niya ako ay agad umiwas ang tingin nito.



"Monique, wait. Gusto kita makausap" saad ko.

"Sophia, nasa trabaho tayo" saad ni Monique.

"Monique iniiwasan mo ba ako? Anong dahilan? Dahil sa relasyon na mayroon kami ni Dyn?" tanong ko.

"This is not the right time to talk about your love of your life, Sophia" nakangising saad nito. Alam kong nang aasar si Monique sa salita pa lang na binitawan niya.

"I'm sorry. Alam kong may mali eh. Okay naman tayo eh" saad ko.

"Kailanman hindi okay ang ginawa mo Sophia. Hindi porket kaibigan kita ay kakampihan na kita sa mga maling bagay" saad ni Monique.

"Goodluck, Sophia. Alam kong sinagot mo lang si Dyn dahil nasa kanya ang puso ni Henrich. You don't love him, Sophia. Ang nararamdaman mo ay pangungulila, hindi pagmamahal" saad ni Monique at pumasok sa loob ng operating room.



Napahawak ako sa wall para alalayan ang sarili. Hindi naman siguro pangungulila ang nararamdaman ko para kay Dyn hindi ba? Mali bang buksan ko uli ang puso ko? Mali bang palayain ko ang sarili ko sa nakaraan? 



Napa balikwas ako nang mag ring ang phone ko. Chineck ko ang caller at kumabog ng malakas nang makitang si Dyn 'yon. Nanginginig ang kamay ko na sinagot ang call at bumungad ng bati.



"Hi babe! Napatawag ka?" saad ko.

"Namiss kita babe. Sobrang busy mo kasi lately. Off mo naman bukas no? Date tayo?" tanong ni Dyn mula sa kabilang linya.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now