CHAPTER 39

141 12 3
                                    

"Doc ako na ang bahala sa patient" saad ko sa Doctor na nag aasikaso kay Dyn. Tulog pa rin ito mula nang silipin ko kaninang alas otso ng umaga.

"Are you sure Doc Smith? Baka marami ka pa gagawin" saad nito.

"Ako na bahala, kayang-kaya ko naman lahat" saad ko.



Lumabas kami sa room nung lalaking tumulong sa akin noon at nakipag usap sa doctor nito. Sinabi niya sa akin lahat ng naibigay niya at mga dapat din ibigay sa pasyente. Sa totoo lang makikita ko naman sa chart kung ano mga na administer na gamot sa pasyente pero hayaan na.



"Thank you talaga doc" saad nito at nagpaalam na mauuna na ito. Ang alam ko kasi ay may emergency sa bahay nila. Ang anak niya ay may sakit ata. Ang masaklap lang isa doctor pero hindi namin nabibigyan ng atensyon ang pamilya namin. Sa hospital uunahin mo pa ang ibang tao kesa sa pamilya mo. Mahirap kasi nag aalala ka sa nangyayare sa bahay samantala kami ay hindi makauwi basta lalo na pag may emergency.



Kung minsan ay kahit day off namin ay pinapapasok kami basta emergency at kung nangangailangan sila ng doctors and nurses pati ibang health care workers.



Pumasok ako uli sa room ni Dyn Marc Villaruel at gumawa ng ingay para malaman kung mag respond ito sa tunog na ginawa ko. Pag pasok ko ay wala itong naging reaksyon sa ginawa kong ingay at nanatiling tulog.



Pasimple ko inilapag sa gilid ang wallet niya at muling tinignan ang chart na nakasuksok sa paanan ng hospital bed.



"Hmm"



Umangat ang tingin ko sa pasyente nang makarinig ako ng da-ing. Nakamulat ang mata nito at gumalaw ang ulo mula kaliwa at iikot pa kanan. Lumapit ako sa kanya nang nag pumilit itong umupo.



"Wag mag pumilit" saad ko at inalalayan ito.



Magsasalita pa sana ito ngunit hindi na nito natuloy nang may tumawag sa phone niya. Kinuha ko ang phone niya mula sa table kung saan nakalagay ang ibang gamit niya. Inabot ko sa kanya ang phone niya at nagpasalamat naman ito.



"Thanks" saad nito at ngumiti dahilan para mapatitig ako sa kanya. Naalala ko ganyan din ngumiti si Henrich noon.



Napatitig ako mula itim nitong buhok na nakaladlad sa kabilang side ng mukha nito.
Ang mga mata nito ay itim din kagaya sa buhok nito.



Tumaas ang kilay niya sa akin kaya umiwas ako ng tingin at peleng umubo saka iniscan ang mga dapat na gagawin. Hindi ako makafocus dahil kahit na may kausap siya sa phone ay nasa akin ang tingin niya.



Nang marinig kong nagpaalam na ito sa kausap niya ay napaayos ako ng tayo.

Follow Your Heartbeat (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum