CHAPTER 24

151 19 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at ilang buwan na rin kami ni Henrich.

Kanina ay pagkatapos sa work ko ay inaya ako ni Henrich na dumaan sa mall. Si lola naman ay kampante ako na maayos ang lagay niya dahil may nagbabantay naman sa kanya.



"Tara na" saad ni Henrich at umangkas ako sa motor nito. Hindi rin nagtagal ay nakarating na rin kami. Hindi naman traffic kaya mabilis kami nakarating.

"Ano gagawin natin dito?" tanong ko kay Henrich.

"Window shopping tapos manonood sa mga kumakain" pabirong saad nito. Napailing na lang ako dahil sa sagot niya. Kahit kami na ay hindi pa rin nawawala ang kapilyohan nito. Kung ano siya noong una ay ganon pa rin siya ngayon.



Pagpasok namin ay dumaan kami sa isang make up store. Kumaway sa kanya yung bakla at mukhang kilala siya. Lumapit siya ron at may sinabi saka ako tinuro.



"May dinadala ka siguro noon dito no?" tanong ko.

"Dito madalas magpaayos si Yasmin. Sinasamahan namin siya noon" saad nito kaya napa tango-tango ako.

"Ahh okay" saad ko.



Maya-maya pa ay may lumapit sa akin na babae at pinaupo ako. Nagtataka akong tumingin kay Henrich pero kinindatan niya lang ako habang ang mga babae ay minake up-an ako. Inayos din ng bakla yung buhok ko. Ano kaya trip ni Henrich?



Napadaing ako nang pagbubunutin ng bakla ang kilay ko. Napahawak ako ng mahigpit sa armchair ko at pinipigilang sumigaw sa sakit.



"Yan ang tinatawag na tiis ganda beh. Halatang hindi ka nagpapa ayos ng mukha, hindi sanay sa bunutan ng kilay" saad ng bakla at umiling-iling.



After ng ilang minuto ay natapos na silang ayusan ako. Pag harap ko sa salamin ay napangiti ako at napahawak a mukha ko. Simple lang pagkakagawa pero ang ganda ng pagkakaayos sa akin kahit hindi makapal ang make up.



"Oh, balik kayo ni Papii Henrich ha" saad ng bakla saka ako sinamahan palabas. Inabutan ako ng paper bag at tinignan ko ang laman non. Ang laman ng paper bag ay ang mga make up na ginamit sa akin.

"Ganda mo"



Napatingin ako kay Henrich na nasa tabi ko na pala. Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at mahinang tinapik-tapik.



"Wag mo nga ako ganunin. Para akong tuta" saad ko.

"Tara na" natatawang saad nito at nagsimula kami maglibot. Lahat ng nadaraanan namin ay napapatingin kay Henrich. Pano, kapag katabi ko siya nagmumukha akong katulong niya which is true naman na katulong niya ako. Slash, GF.



Huminto kami sa female boutique. Binati kami ng babae at pinapasok sa loob. Nagsabi si Henrich sa babae na hanapan ako ng dress na bagay sa akin. Hindi ko alam trip ni Henrich bakit pinapaganito niya ako.



Isinukat ko lahat ng binigay sa akin ng babae at ipinakita kay Henrich isa-isa ang mga dress. Naka ilang 'next' na siya pero wala pa rin siya nagustohan.



"Iba pa, masyadong agaw pansin yan" saad niya kaya muli nanaman akong nagpalit ng damit. Nakailang balik na ako sa fitting room bago siya um-agree sa isang dress na pula. Binili niya 'yon kasama ang itim na heels. Nakabusangot na nagpahila ako kay Henrich dahil hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay at biglang nag aya mag mall.

"Henrich gutom na ako" saad ko. Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa akin.

"Okay, mag lunch na muna tayo" saad nito.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now