CHAPTER 28

124 17 6
                                    

Isang buwan.

Isang buwan na ang lumipas mula nang makaalis kami sa puder ni Henrich. Nagsinungaling ako noong sinabi ko sa kanya na magbabakasyon kami kila tita. Sa totoo niyan ay nag stay lang kami kila Hera.



"Mauna na ako Hera" saad ko.

"Mag iingat ka!" saad ni Hera at kumaway sa akin bago ako makalabas ng bahay nito.



Ngayon ang anibersaryo namin ni Henrich at gusto niya na magkita kami. Ang sabi niya sa akin ay susunduin niya ako sa isang restaurant na kung saan kami nag celebrate noong ika-limang buwan ng pagsasama naming dalawa. Sa loob ng isang buwan ay hindi rin matahimik ang step mom ni Henrich.



Napatingin ako sa phone ko nang makatanggap ako ng text mula kay Henrich. Naroon na raw siya at hinihintay ako. Nag reply ako sa kanya at sinabing papunta na ako. Alas singko na ng gabi at nagkukulay kahel na rin nag langit.



Ilang minuto ang ginugol sa biyahe bago marating ang tagpuan namin ni Henrich. Tanaw ko siya sa loob ng restau mula rito sa labas. Malaki ang ngiti nito sa labi habang inilibot ang kanyang paningin sa kabuohan ng restau at maya't maya siyang titingin sa relo sabay check sa phone nito. Hindi siya mapakali at paulit-ulit niya iyon ginagawa.



Muli niyang binuksan ang phone niya at may pinindot. Kasabay non nang pag ring ng phone ko kaya sinagot ko ito.



"Hello, baby" saad nito mula sa kabilang linya.

"Hi" tipid na saad ko.

"Nasaan ka na? Male-late na tayo" saad nito.

"Tumingin ka sa labas" saad ko. Sinunod naman niya ang sinabi ko at luminga-linga siya. Mas lumaki ang ngiti niya nang makita ako at dali-daling lumabas saka niyakap ako ng mahigpit.

"I missed you" saad nito at mas hinigpitan pa ang yakap nito.

"but not anymore because you're here now" saad nito saka humiwalay ng yakap at ngumiti.

"Tara, kain muna tayo. After ay meron tayong pupuntahan" saad ni Henrich at hinawakan ang kamay ko papasok sa loob ng restaurant.



Nag order si Henrich at nagsimula siya mag kwento patungkol sa nangyari sa kanya. Pati yung project na pinagawa sa kanya ng dad niya ay kinwento niya rin. Naging successful daw ang lahat ng mga nagawa niya.



"Tahimik mo yata baby" saad ni Henrich.

"Medyo pagod lang" saad ko at ngumiti. Nang dumating na ang order ay nilagyan niya ng food ang plato ko. Nag thank you ako at nagsimulang kumain. Nag tatanong ni Henrich kung may gusto raw ba akong gawin pero umiling lang ako bilang sagot.

"Busog na ako" saad ko. Napatingin si Henrich sa pagkain ko at umiling. Mas dinagdagan niya pa ng pagkain nag nasa plato ko at sinabing ubusin ko 'yon.

"Kaunti pa lang nakakain mo, busog ka na agad. Ubusin mo yan baby" saad nito kaya pinilit kong bawasan ang pagkain na nilagay niya.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now