CHAPTER 21

141 20 0
                                    

Gumising ako ng maaga para maghanda ng umagahan. Wala naman ako pasok sa coffee shop dahil off ko. Naglinis ako ng bahay at nag ready para pag gising nila ay kakain na lang.



Nandito ako ngayon sa hardin ng bahay ni Henrich at winawalis ang mga tuyong dahon. Wala rin akong tulog na maayos dahil sa nangyare kagabi. Puyat na puyat ako at halos dalawang oras lang ang tulog ko.



"Ang sipag mo naman!"



Napalingon ako at bumungad sa akin ang mukha ni Yasmin na nakangiti. Lumapit ito sa akin at tumingin sa mga nawalis ko na tuyong dahon.



"Goodmorning" saad ko at pilit na ngumiti. Kung kahapon lang ay inis na inis ako sa mukha nito pero ngayon ay parang wala na lang. Ang nararamdaman ko ngayon ay hiya dahil hindi ko naman alam na pinsan ito ni Henrich.

"Ako pala si Yasmin" saad nito at nilahad ang kamay niya sa harap ko. Pinunasan ko ang kamay ko sa damit na suot ko saka tinanggap ang kamay niya at nakipag shake hands.

"Sophia" saad ko.

"Hmm..kahapon parang masama timpla ng mukha mo sa akin" saad nito at tumawa.



Hindi ako umimik dahil pinapangunahan ako ng hiya. Hindi ko rin alam ano bang ikinainis ko kahapon. Siguro dahil wala lang ako sa mood?



"Wag ka mag alala, wala namang kami ni Kuya Hen. Madalas kami mapagkamalan na mag bf at gf pero pinsan ko siya. Close lang talaga kami" saad nito at tumawa.



Nagsimula ito magkwento ng mga patungkol kay Henrich. Kung paminsan ay tinutukso ako. Nakikinig daw ako sa mga kwento niya kapag about kay Henrich ang usapan. Tinanong nya pa ako kung gusto ko raw ba si Henrich pero hindi ako nakasagot.



"Naninibago lang siguro ako sa kanya. Lalo na nag iba pakikitungo niya" saad ko.

"Sus, duda ako sa mga ganyan" saad nito at tumawa.

"Sure ka hindi mo gusto si Kuya Hen?" tanong nito kaya umiling ako pero halatang taliwas ang dibdib ko sa sagot ko. Pasimple akong humawak sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito.

"Pero bakit kahapon inis na inis ka sa akin. Inirapan mo nga ako kaya hindi ko na sinubukang makipag friend"saad nito.

"Sorry, wala lang ako sa mood ko non. Napagod siguro"pagpapalusot ko.

"Una na pala ako sa loob, nagugutom na ako eh"saad nito. Tumango lang ako at sinabing nakapag luto na ako ng agahan bago ito pumasok sa loob.



Narito ako sa kusina at naghuhugas ng mga napagkainan nila. Sila Cairo ay nagtatawanan habang si Marco ay tahimik na nagbabasa. Si Henrich ay hindi ko alam kung nasan. Hindi ko nga alam kung kumain na ba siya. Sila Scarlet at Lucas naman ay pumasok na.



'Bro, si Gael umiiwas ba?' rinig kong tanong ni Brylle kaya napahinto ako sa paghuhugas at hinintay ang kasunod na sasabihin nito.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now