CHAPTER 49

109 9 6
                                    

Sophia's POV

Two months passed at ramdam ko ang pagkalito ko para sa nararamdaman ko kay Dyn. Dumistansya ako kay Dyn at inoobserbahan ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Kung minsan ay napapaisip ako na baka tama si Monique. Pero kung tama siya, ano ang gagawin ko?



My past keeps hunting me at halos gabi-gabi akong hindi makatulog. May parte sa isip ko na gustong layuan si Dyn pero may parte sa akin na pinipilit kong mahal ko si Dyn. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman para sa kanya. Hindi ko na rin nakakausap si Monique dahil halos hindi na kami magkakilala. Hindi rin niya ako magawang tapunan ng tingin kahit anong lapit ko.



Palagi akong hinatid ni Dyn pero minsan ay hindi niya ako nasusundo. Sinasabihan ko siya minsan na mag stay ako sa hospital kaya hindi niya ako masusundo which is kasinungalingan lang.



Hindi ako nag i-stay sa hospital, madalas ay pinupuntahan ko ang mga lugar na madalas namin puntahan ni Henrich noon. Sobrang sakit pa rin hanggang ngayon.



"Andito na tayo" saad ni Dyn at tinapik ang pisngi ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Dyn sa akin.

"Ah...oo ayos lang ako. May iniisip lang" saad ko kay Dyn at ngumiti.

"Are you sure?" tanong ni Dyn.

"Oo, sige na mauuna na ako ha. May emergency kasi" saad ko.



Pansin kong inilapit nito ang kanyang pisngi kaya napalunok ako ng ilang beses. Halos ilang segundo ko pinag isipan bago humalik sa pisngi niya at hindi na hinintay na pagbuksan ako ni Dyn. Lumabas ako ng sasakyan nito at dali-daling pumasok sa loob ng hospital.



Pag pasok ko ay bumungad si Monique pero kagaya ng palagi nitong ginagawa ay hindi nanaman niya ako pinansin. Deretso ang lakad ko papuntang office ko at nag ayos. After ng ilang minuto ay pumasok ang nurse dala ang pasyente na nagpa schedule sa akin.



Isa-isa kong inaasikaso ang mga pasyente ko hanggang sa hindi ko mamalayan ang oras na breaktime na. Hindi na ako lumabas ng hospital sa halip ay dumeretso ako sa canteen ng hospital.



Kumuha ako ng makakain ko at umupo sa bakanteng table. Habang kumakain ay lumilipad ang isip ko patungkol kay Dyn at Henrich.



Iniisip ko kung sasabihin ko ba kay Dyn ang patungkol kay Henrich o wag na. Sabihin ko pa ba na ang puso na mayroon siya ngayon ay ang dinonate ni Henrich? Pero ano na lang ang maiisip niya sa akin? Ano na lang ang sasabihin niya? Baka isipin niyang ginamit ko lang siya.



Nawalan ako ng gana kumain kaya bumalik ako sa office ko. Kinuha ko ang phone ko at tinitigan ang mga litrato namin ni Henrich noon. Ipinagpatuloy ko ang pag titingin ng mga litrato namin ni Henrich hanggang sa matapos ang breaktime ko at ipinagpatuloy ang trabaho.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now