CHAPTER 8

167 17 0
                                    

"Sophia, ikaw na lang mag bukas ng shop, mag simula na ako mag bake" saad ni ma'am Victoria at pumasok sa loob ng kitchen.



Napatingin ako sa lahat na may kanya-kanyang ginagawa. Nililinis nila ang shop, inaayos ang table at pinapalitan ang bulaklak sa mga vase. Si Mayumi ay nagpupunas ng mga bintana tapos si Pam nag wawalis.



"May maitutulong ba ako?" tanong ko.

"Ah yung sa labas Sophia. Nagbabagsakan nanaman mga tuyong dahon ng mga puno. Kailangan walisan" saad ni Karla na nagpapalit ng mga bulaklak sa vase.

"Sige" saad ko at lumabas.


Kinuha ko ang walis tingting at dustpan saka sinimulan ang pagwawalis. Lahat ng nawawalis ko ay inipon ko sa trash can. Habang nagwawalis ay napatingin ako sa mga picture ng mga couple na may padlock. Tinignan ko ito isa-isa at may mga sulat sa likod. May date din kung kelan nila nakuha yung litrato. Ang iba ay 2019 pa. Yung iba sa padlock ay kinakalawang na rin. Kaya pala may photobooth dito. Ano kaya pakiramdam na may lovelife?


Nahinto ako sa pag titingin ng mga pictures  nang matumba yung trashcan at kumalat lahat ng nawalis kong mga dahon. Napatingin ako sa nakamotor na bumunggo sa trashcan. Nang tanggalin nito ang suot niyang helmet ay umakyat lang ng dugo ko. It was Henrich!


Inis na kinuha ko ang trashcan at binato 'yon sa kanya. Napadaing ito sa lakas ng pagkakatama sa kanya nung trashcan. Galit na tumingin ito sa akin at bumaba sa motor nito. Lumapit siya sa akin at tinulak ako ng malakas. Napaupo ako dahil sa lakas ng pagkakatulak nito sa akin.


"Ano bang problema mo?!" pasigaw na saad nito.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Hindi ko alam kung sinasadya mo ba na bwisitin ako araw-araw!" galit na saad ko.

"Ah talaga? Sino ka ba para pag tuonan ko ng pansin?" mayabang na saad nito.



Sabay kaming napatingin sa ilang motor na humarurot sabay park sa harap ng shop. Ito yung apat niyang mga kaibigan. Lahat sila ay nagtatawanan. Nang mapatingin sila sa amin ni Henrich ay natahimik ang mga ito.


"Ikaw ang may atraso sa akin pero ikaw may lakas nang loob na ganyanin ako?" matapang na saad ko.



Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Ngumiwi ito nang mapatingin sa sapatos kong hindi na kaaya-aya tignan. Wala akong dapat na ikahiya dahil lahat ng gamit ko ay galing mismo sa bulsa ko.



"Bakit ba may mahirap dito? Ang lakas pang humarang sa dinadaanan ko. Mga daga" saad nito. Bago pumasok sa loob ng shop ay tinadyakan niya yung trashcan.



Lahat ng nakikinood sa amin ay binigyan ako ng nakakaawang tingin. Maging ang mga kaibigan ni Henrich ay naaawang nakatingin sa akin. Si Gael naman ay ngumiti sa akin at itinayo ang trashcan bago pumasok sa loob ng shop. Nag alisan na rin ang ibang nakikinood kaya pinag patuloy ko paglilinis. Pagkatpos ko maglinis ay pumasok na rin ako sa loob.



Rinig nanaman ang tawanan nilang lahat pero nung dumaan ako ay tumahimik ang mga ito. Lumapit si Pam sa akin at tinanong kung ayos lang ako. Nakita niya raw kasi ang nangyari. Salbahe raw talaga si Henrich.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now