CHAPTER 36

118 13 7
                                    

Apat na buwan ang lumipas at unti-unti kong inintindi ang lahat mula sa pagkawala ni Henrich. Narito ako sa hospital at nag aasikaso ng pasyente. Nag apply ako sa hospital na pinapasukan ni Monique at ang hospital na ito ay ang pinag anakan ni mama noon. Kailan man ay hindi ko nakita ang sarili ko noon na magtatrabaho ako mismo sa hospital kung saan nawala si mama.



"Sophia, breaktime na" saad ni Monique na bigla na lang sumulpot sa office ko.

"Wala akong gana lumabas"saad ko.

"Saglit lang naman. Kakain lang tayo"saad nito.

"May dala akong lunch" saad ko.

"Okay, ako na lang ang lalabas. Ano ipapabili mo?" tanong ni Monique.

"Coffee na lang, yung binibili ko noon" saad ko.

"Ang layo pa non. Sa coffee shop pa nila Ma'am Victoria" reklamo ni Monique pero hindi ko na ito kinibo. Lumabas na siya at nagpaalam na aalis na.



Halos 20 minutos ang ginugol bago makabalik si Monique dala ang cake at isang kape na hinanda raw ni ma'am Victoria para sa akin. Nag thank you ako at sinimulang lantakan ang cake na dala nito.



Sumapit ang gabi at tapos na ang shift ko kaya nagpaalam ako sa mga kasama ko sa trabaho na uuwi na ako. Si Monique ay mamaya pa ang uwi niya madaling araw. Kung minsan ay sa hospital na siya natutulog. May mga rooms naman dito pero mas gusto ko umuwi.



Dumaan ako kila Hera para sunduin si Scarlet dahil dito dumederetso si Scarlet kapag galing sa sa school nila. Hindi siya umuuwi sa bahay dahil mas gusto raw niya rito kesa doon. Si Lucas lang ang umuuwi sa bahay na naipundar ko noong nasa California pa ako. Si Lucas ay napapansin kong pasimple siyang nagdadala ng babae sa bahay pero hindi ko pa ito nakakausap patungkol ron. Mamaya na lang siguro.




Pagkarating ko sa bahay ni Hera ay ipinarada ko ang sasakyan ko. Sa harap ng bahay niya ay may nakaparada rin na pink na sasakyan. Bumaba ako at binati ako ng katulong ni Hera nang makapasok ako sa loob. Bumungad sa akin ang malawak na sala at dinig ko mula rito ang mga pamilyar na boses na nag uusap at nagtatawanan.



"Ma'am may bisita po kasi si ma'am Hera" saad ng katulong. Tumango lang ako at dumeretso sa kitchen.



Bumungad sa akin sila Marco, Hera, Scarlet at Yasmin na nagtatawanan. Lahat sila ay natahimik at napatingin sa gawi ko.



Tumayo si Hera at pinaupo ako. Nagtama ang mata namin ni Yasmin at hinihintay na magalit ito sa akin pero ngumiti lang siya. Ngumiti rin ako sa kanya saka ibinaling ang tingin kay Scarlet.



"Uuwi na kami ni Scarlet" saad ko pero umirap lang si Scarlet.

"Ate Hera gusto ko muna rito" saad ni Scarlet at kumapit sa braso ni Hera.

"Uuwi na raw kayo ni ate mo eh. Pagod yan galing work" saad naman ni Hera.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now