CHAPTER 29

116 16 6
                                    

Henrich's POV


Pinanood ko si Sophia na tumakbo papalayo. Hinihintay ko siyang lumingon at bumalik para sabihing prank lang ang lahat. Sumikip ang dibdib ko nang makitang sumakay ito ng taxi.



Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaluhod ko. Inis kong binato ang chocolate bouquet na hawak ko. May mga taong nakapalibot sa akin habang kumukuha ng litrato at video. Bumalik ako sa sasakyan ko at itinapon ang mga bulaklak, teddy bear at ilang regalo na binili ko para kay Sophia saka isinara ang compartment.



"Ano?!" sigaw ko sa mga nanonood at nag video.

"Tapos na ang palabas!" sigaw ko at nagsi iwas ang mga to ng tingin. Sumakay ako at binuhay ang makina ng sasakyan saka mabilis na pinatakbo palayo sa lugar na 'yon.



Nalaki ang mga mata ko nang kamuntikan akong mabangga nang isang truck. Mabilis kong naiwas pakanan ang sasakyan at prumeno. Inis kong pinaghahampas ang manibela ko at yumuko. Patuloy ang pag agos ng luha ko habang paulit-ulit na naririnig ang sinabi ni Sophia kanina. Okay naman kami at wala kaming napag awayan. Ano ba ang problema? Bakit biglang nakipag hiwalay siya? Anong dahilan?



Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang numero ni Sophia. Naka ilang ring ito pero walang sumagot. Muli ko siyang tinawagan nang tinawagan pero kahit isa ay hindi niya sinagot. I tried to call Hera at agad niya naman itong sinagot.



"Hello Henrich" saad nito sa kabilang linya.

"Alam mo kung saan si Sophia?" tanong ko pero hindi ito sumagot.

"Ate Hera" saad ng isang batang boses sa kabilang linya.

"Si ate Sophia po b---"



Hindi ko na tinapos ang tawag at pinatay ko na ito at dali-daling tinahak ang daan papunta sa bahay ni Hera. Nanlalabo ang paningin ko habang patuloy sa pagmamaneho.



Pagkarating ko sa bahay ni Hera ay hindi ko pinansin ang guard at basta na lang pumasok. Pagkapasok ko sa loob ay hinanap ng mga mata ko si Sophia. Naabutan ko si Scarlet na umiiyak at nagwawala sa sahig. Si Lucas ay umiiyak din samantala si Hera ay malungkot na nakayuko.



"Asan si Sophia?" Tanong ko at umakyat sa itaas. Isa-isa kong binuksan ang pinto ng bawat kwarto pero walang Sophia na bumungad sa akin.

"Henrich!' rinig kong sigaw ni Hera at sinundan ako.

"Ilabas mo si Sophia! Mag uusap kami!" galit na saad ko.

"Wala siya rito!" saad ni Hera.

"Hindi mo ako maloloko" saad ko at muling bumaba para hanapin si Sophia.

"Aalis sila ni lola Flora ng bansa" saad ni Hera nang makababa ako.



Bagsak ang balikat ko na napaupo dahil sa sinabi nito. Nanginginig ang mga kamay ko at patuloy ang pagluha ko. Napahilamos ako dahil sa inis. Nilapitan ko si Hera at mahigpit na hinawakan ang magkabilang balikat nito.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now