CHAPTER 44

129 12 7
                                    

Limang buwan na kaming magkakilala ni Dyn at mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Halos magkapareho rin kami ng mga hilig. Mula noong naging malapit kami, palagi niya ako hinahatid sundo sa work ko. Ayaw niya raw kasi maulit yung nangyari noong una kaming magkita, noong manakwan ako. Kaya ayon nag insist siya na ihatid sundo ako. Dinadalhan niya rin ako ng favorite kong mga pagkain tuwing lunch. Sobrang bait ni Dyn, maalaga rin siyang tao. Pati mga kapatid ko ay close niya. Kung madalas ay siya na rin nag hahatid kay Scarlet kapag naiiwanan siya ni Lucas.



"Saan mo gusto?" tanong ni Dyn sa akin habang may iilang butil ng pawis na namumuo sa noo nito. Malaki ang ngiti sa mga labi habang nakatingin sa akin.

"Makatitig ka ha. Pogi ko ba?" tanong nito at kumindat dahilan para uminit ang magkabilang pisngi ko.

"Pangit" saad ko kaya nalukot ang mukha nito. Tinawanan ko lang siya at naunang maglakad saka nagtingin sa stall ng mga pagkain. Ramdam ko ang pag sunod ni Dyn sa likuran ko habang nagtitingin ako.

"Ano ba pwede kainin?" tanong ko.

"Nagugutom ka?" tanong nito pero umiling lang ako.

"Gusto ko lang na may nangunguya ako habang naglalakad bago sumakay sa rides uli" saad ko.

"Pili ka lang diyan, ako na bahala" saad ni Dyn at ngumiti.



Nakasunod lang siya sa akin habang hinihintay kung ano ang bibilhin ko. Pansin ko lang, si Dyn yung tipo ng tao na ibibigay lahat ng gusto mo. Nitong nakaraan, lahat ng matipuhan kong bagay o pagkain, binibili niya kahit hindi ko sabihin. Kung ano ang mahawakan ko ay kinukuha niya tapos bibilhin.



"Cotton candy na lang sa akin" saad ko at itinuro yung stall kung saan gunagawa ng cotton candy ang isang lalaki. May iba't ibang disenyo ka na pwedeng pag pilian. Pinili ko yung peppa pig.

"Sarap. Tikman mo" saad ko at kumuha ng kapiraso sa cotton candy at isinubo kay Dyn.



Pinanood ko siya habang nilalasahan nito ang cotton candy na sinubo ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumiti kaya napangiti rin ako. Happy virus talaga itong si Dyn, napapadalas pag ngiti ko mula noong maging malapit kaming dalawa.



Limang buwan na ang naka lipas at sa limang buwan na 'yon ay puro sa pagkakamabutihan namin ni Dyn ang ganap. Hindi ko nga expected na pareho kaming mahilig sa bulalo. Marami kaming pagkakapareho at gaya ko ay nagbabasa rin siya ng mga libro. Minsan nga ay pipili kami ng libro at sabay naming babasahin.



Nandito kami ngayon sa isang carnival. Kami lang ang nandito dahil biglaan lang siya nag aya. Hindi na namin naisama ang ibang mga kaibigan namin dahil ang sabi ni Dyn ay saglit lang kami.



"Saan next ride?" tanong ni Dyn.

"Kahit saan" saad ko at dali-dali akong hinila sa bumper car. Naka RAYC kami ni Dyn at siyempre siya nanaman gumastos. Kapag kasama ko nga si Dyn ay halos wala akong mailabas sa bulsa ko kasi palaging siya nagbabayad ng lahat. Kapag naman tinanggihan mo ay magtatampo siya. Kaya wala akong choice kundi pumayag.

"Ouch!" daing ko nang may biglang bumangga sa likuran ko. Nakangisi sa akin ang isang lalaki at pilit binubunggo ang bumper car niya sa bumper car ko.



Pinipilit kong lumayo sa lalaki pero panay dikit ito. Biglang sumama ang mukha nung lalaking bumabangga sa akin nang banggain siya ni Dyn.



"Bro, ano problem mo?" bulyaw ng lalaki kay Dyn.

"Ikaw? Anong problema mo sa kanya?" pabalang na tanong ni Dyn. Pansin ko ang pag irap ng lalaki kay Dyn bago lumayo.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now