CHAPTER 52

119 9 3
                                    

Narito kami nila Hera, Lucas, Kathleen, Scarlet at iba pa naming mga kaibigan sa harap ng bahay ko na nasunog. Naiwan si lola Flora sa labas kasama ang nutritionist nito na malungkot din dahil sa sinapit namin. Wala si Dyn dahil nasa work niya ito. Tinawagan ko siya kanina ay may client daw siya na kailangan niya i-meet. Kinuha namin ang pagkakataon na ito para balikan ang nasunog na bahay ko dahil alam kong magagalit si Dyn kapag nalaman niyang bumalik kami sa bahay. Ang sinabi niya ay delikado raw kung babalik kami.



Pumasok kami sa loob at nagtulong-tulong kunin ang mga gamit na hindi naman naapektohan ng sunog. Maraming bubog sa lapag kaya dahan-dahan kami kung kumilos. Ang ilang parte ng ceiling ay bumagsak din at halos kaunti na lang ang nailalabas namin.



"Ate, playroom ko" malungkot na saad ni Scarlet at humawak sa kamay ko.

"Magpasama ka kay kuya mo, pupunta ako sa kwarto ko. Kukunin ko mga mahahalagang papers pati sa past medical record ni lola" saad ko at ngumiti. Lumapit si Scarlet sa kuya niya at sabay-sabay kaming umakyat.

"Dahan-dahan baka mabagsakan kayo" saad ni Marco.

"It's Kerbieee" sigaw ni Brylle dahilan para magulat kami.

"Sorry" saad ni Kerbie at binatukan si Brylle. Napailing na lang kami dahil sa pagka isip bata ng dalawa.



Dumeretso ako sa kwarto ko at nilapitan ang safe box. Inilagay ko ang passcode at bumukas ito. Pag bukas ko ay safe pa rin ang nasa loob at walang damage. Narito lahat ng litrato namin ni Henrich, mabuti at maayos pa rin.



Ibinalik ko sa loob ang mga papers at tinignan ang lalagyan ng mga alahas ko. Wala naman na deform pero ang iilang pares ng hikaw ay nawawala. Ang necklace at bracelet na bigay ni Henrich at Dyn ay narito pa rin kaya kinuha ko 'yon at ibinulsa ang mga gamit ko.



Kumuha ako ng supot at inilagay ang lahat ng gamit ko na maayos pa. Isa-isa kong ibinaba ang mga gamit at ganon din ang ginawa nila Scarlet. Bitbit nito ang mga laruan niya mula sa playroom at si Lucas naman ay kinuha rin ang ilang mga gamit niya.



Kanya-kanyang hakot kami samantala sina Kerbie ang nag hahakot sa living room at dining room.



Saktong paglabas ko ay dumating ang tinawagan ni Marco na tutulong sa pag hahakot at may mga dala itong sasakyan. Pansamantalang ilalagay muna ang mga gamit kila Hera dahil si Hera naman ang nag suggest nito. Inabot kami ng anim na oras para maisalba ang mga gamit namin. Tulong-tulong kami at halos wala kaming pahinga kakaligpit.



"Okay na ba lahat?" tanong ni Marco.

"Ayos naman na siguro" saad ni Hera nang wala na kaming mailabas na gamit. Lumapit sa akin si Kathleen at sinabing tumawag ang kuya nito.

"Ano sabi?" tanong ko"

"Hinahanap tayo, nasa bahay na po si kuya" saad ni Kathleen.

"Ano sinabi mo?" tanong ko.

"Sabi ko pinasyal ko kayo" kagat labing saad nito.

"Thank you Kath" saad ko at ngumiti.

"Wala naman po ako magagawang ibang paraan para mapagaan loob niyo nila Lucas. Kahit na may pagtatalo pa kami ni Lucas, hindi ko pa rin siya matitiis ate eh" saad ni Kathleen.

Follow Your Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon