CHAPTER 27

122 16 4
                                    

Narito ako sa kusina at naghahanda ng pagkain. Kakatapos ko lang maglinis sa harap at likod ng bahay pati na rin dito sa sala. Nagluluto ako ngayon para pag gising nila ay nakahanda na pagkain.



Napahinto ako sa pagluluto ko nang may tumawag sa phone ko. Kinuha ko 'yon at tinignan kung sino ang tumatawag. Unregistered number siya kaya nagtaka ko itong sinagot.



"Hello?" tanong ko.

"Sophia" saad ng babae mula sa kabilang linya.

"Tita Mabel mo ito" pagpapakilala niya. Nabitawan ko ang sandok na hawak ko at natutuwang makausap muli si tita.

"Tita! Kamusta po?"tanong ko.

"Mas maayos na buhay ko kesa noon. Ikaw ba? Kamusta kayo nila Lucas?" tanong ni tita.

"Ayos naman po kami. Napatawag ka po tita? Bakit po pala nag iba number mo?" tanong ko.

"Nako! Nawala kasi cellphone ko nung nakaraang taon! Eh sakto nung nakaraang araw naglinis ako bahay tapos nakita ko mga contact number niyo. Ngayon lang kita natawagan" saad nito.

"Kaya po pala" saad ko.

"Si nanay nasaan? Kamusta kalagayan ni nay Flora?" tanong ni tita Mabel. Sa akin niya iniwan si lola noon dahil dalawa lang naman sila ni mama ang magkapatid. Si tita ay nasa ibang bansa ngayon. Domestic helper si tita sa ibang bansa kaya hindi rin ganon kadali. May pamilya rin siyang binubuhay kaya hindi niya mababantayan si lola.

"Ayos naman po siya tita" saad ko.

"Mabuti naman kung ganon. Sophia, ang sadya ko lang talaga ay ayain ka rito sa bansa na pinag trabaho-an ko. Malaki pasahod at mas makakaluwag ka sa pag aaral ng mga kapatid mo. Dalhin mo na lang si nanay para makapagpagaling siya rito" saad ni tita mula sa kabilang linya.



Hindi ako nakasagot at inisip kung papayag ba ako o hindi. Muling pumasok sa isip ko ang sinabi sa akin ng step mom ni Henrich. Noong nakaraang araw ay nakatanggap ako ng text mula sa step mom ni Henrich at binabantayan niya raw ang kilos ko.



"Pag isipan ko po tita" saad ko. Nagpaalam na kami sa isa't isa at nagmamadaling pinatay ang niluluto ko dahil sa kamuntikan itong masunog. Pagkatapos ay inaya ko na ang lahat na kumain.





Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok sa coffee shop. Kagaya sa nakagawian ay hinatid ako ni Henrich sa trabaho. After ay nagpaalam na rin siyang aalis agad dahil may pinagawa ang dad niya. Madalas na umalis si Henrich, kung minsan ay biglaan ang lakad niya. Nakikisali rin ako minsan sa mga ginagawa niya at nagtatanong kung ano yon. Pero wala naman akong alam sa business kaya pinapanood ko na lang siya minsan.



"Sophia sa table 13" saad ni Karla nang mapansin niya na tulala ako. Inasikaso ko ang mga customer at ganon din si Karla. Nang malaman nila na BF ko na si Henrich ay tinukso nila ako. Kesyo real quick daw kasi noong una ay kinabubwisitan ko pa si Henrich pero ngayon minamahal ko na. Kokorni nila.



Patuloy kami sa pag aasikaso sa mga customer. Hindi naman ganon karami customer ngayon, normal lang.



Napalingon ako nang tawagin ako ni ma'am Victoria. Inabot niya sa akin ang phone ko na nag r-ring. Kinuha ko 'yon at sinagot ang tawag.



"Hello?" saad ko.

"Ma'am Sophia, ako po ito. Si Tricia" saad nito sa kabilang linya. Nanginginig ang boses niya na parang kinakabahan.

"Bakit?" tanong ko.

"Ang lola niyo po. N-Nasugod sa hospital. Kanina po okay naman siya. Tapos biglang kanina nahirapan po siya huminga" saad nito dahilan para mabitawan ko ang tray.



Follow Your Heartbeat (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora