Chapter I

393 22 6
                                    

Chapter 1.

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃


● Winston Oyales · online

KENJI
tonton

KENJI
Anong oras ka lalabas?

WINSTON
maya maya pa kuya

KENJI
pakisabi sa teacher mo paki
bilisan naman.

WINSTON
Luh

WINSTON
okay

just now

WINSTON
nasabi ko na 💋

KENJI
Oh ano daw sabi?

WINSTON
joke. si miss flores prof ko ngayon
noh! mukang mangangagat lagi

WINSTON
speaking of.

WINSTON
Kakatapos lang ngayon kuya

WINSTON
Papunta na ako dyan sa gate

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃


Ilang minuto lang ay lumitaw na si Winston sa tabi ni Kenji. Plano pa nga sana nitong gulatin ang nakakatandang kapatid ngunit bigo ito dahil mukang mainit ang ulo.

"Anyare?" tanong ni Winston habang sinasarado ang zipper ng bag niya.

Binigyan lang ni Kenji nang makahulugang tingin ang nakababatang kapatid pero mukang hindi ito naintindihan ni Winston kaya nginunutan siya nito ng noo. "Anong ganap? Ba't parang badtrip ka, kuya?"

Hindi pinansin ni Kenji ang sinabi ng kapatid. Patuloy lang siya sa pagtanaw sa gate kung saan naglalabas-masok ang mga estudyante.

Maya-maya pa ay natigilan si Kenji at napako ang mga paa sa kinatatayuan dahil sa nakita.

Napansin ito ni Winston kaya nagtaka siya sa naging reaksyon ng kuya niya. Susundan na sana niya ng tingin ang direksyon kung saan nakatanaw ang kapatid.. nang bigla siyang higitin nito at patakbong lumabas ng gate.

"Gusto mo ng squidball??" Aligagang tanong ni Kenji habang hinihingal.

Umiling ito sa kanya. "Bakit bigla tayong tumakbo, kuya?" Inosenteng tanong ni Winston. "Inaway ka na naman nung JJ?"

Nagsalubong ang kilay ni Kenji sa sinabi ng kapatid sabay iling at buntong hininga. Magsasalita pa sana ito nang mahagip niya si Mang Thomas. Ang service nila.

"Mama, miryenda?"

Nang makauwi, kinulit agad ni Winston ang mama niya ng makakain. Hindi naman talaga siya nagugutom, gusto lang niyang may makain habang nag-aaral.

"Wala, hindi ako nakapaghanda... Oh siya sige na, kumuha ka diyan sa wallet ko. May turon doon sa labas."

Ngiting tagumpay naman si Winston nang pumasok sa kwarto at kumuha ng pera. Nasa isip na niya kung paanong bibilisan ang lakad para makauwi kaagad, inaalala niya pa kasi ang mga gawain na binigay sa kanila ng prof nila.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now