Chapter XX

170 8 18
                                    

Chapter 20.

Nang makaalis sila ay napako lang ang paningin ko sa sliding door kung saan kita ko ang mga halaman sa labas. Nakatulala lang ako doon hanggang sa may tumawag sa 'kin.

Narinig ko ang boses ni ate Shaye pero hindi ako lumingon kaya humarap siya sa akin. "Okay ka lang?"

Hindi ako sumagot, naka tanaw lang ako sa mga halaman sa labas habang malalim ang iniisip.

"Mabuti at sinunod mo si Zhea. Hindi ka na natatakot ipaglaban ang sarili mo." Ngumiti siya sa akin.

Hindi ulit ako nagsalita. Hindi ko din kasi alam kung anong sasabihin, masyadong okupado ang isip ko ngayon.

Narinig kong bumuntong hininga siya sa likod ko kaya tumaas ang tingin ko. "Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka."

Lumingon ako sa kanya kaya natigilan siya at binalik sa akin ang paningin. "Magkakilala po ba kayo?" Mahina kong tanong.

Tumango siya. "Business colleuge.. hindi kami masyadong nag-uusap pero siya ang parati kong kasama tuwing may free time."

Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko kasi masyadong naintindihan ang sinabi niya dahil sa lalim ng iniisip ko..

"Paano po bukas?" Mahina kong sabi ulit.

"8 am. Naandito na si attorney."

Nagbaba ako ng tingin nang maramdamang bumigat na naman ang pakiramdam ko.

"Gusto mo bang bumalik sa pagkakatulog? May gusto ka ba? Sabihin mo sa akin kung anong gusto mo para hindi ka na malungkot." Sabi niya pero umiling ako.

"Gusto ko pong makausap sina Miho.." Sabi ko at nakita kong nag-iba bigla ang ekspresyon niya.

"Yon lang pala.." Sabi niya at kinuha agad ang phone niya sa coffee table bago dumiretso sa kusina.

Narinig kong may kinakausap siya sa telepono at base sa narinig ko ay si Claude ang kinakausap niya. Inutusan niyang tawagan sina Ashley dahil wala siyang contact kahit isa sa mga kaibigan ko.

Bumuntong hininga ako at napagdesisyunang umakyat sa taas. Dire-diretso lang ako hanggang makarating ako sa kwarto.

Tahimik akong humiga at kinumutan ang sarili. Pumikit ako at pinilit ang sariling matulog pero hindi ako tinatablan ng antok.. kaya umupo na lang ako sa kama at tumulala.

Naramdaman ko na naman ang bigat sa dibdib ko kaya hindi ko na napigilan ang mga mata kong magtubig.

Hindi pa man 'yon tumutulo ay pinunasan ko na agad. Ayokong madatnan nilang namumugto ang mga mata ko at ayokong masyado silang mag-alala sa akin.

Habang inaayos and sarili ay biglang nahagip ng mga mata ko ang maliit na shelf sa ibaba ng TV. Lumapit ako doon at nakita ko ang isang photo album. Project ko yon noong highschool. Ako lang ang mag-isang gumawa non kaya hindi masyadong maayos.

Binuksan ko 'yon at unang bumungad sa akin ang penmanship ko dati.

**

Photo album made by me ◡̎

യDate: November 7, 20XX

[Insert photos]

Highschool best friend is your biggest memory troupe, as my teacher say. Here's Ashley, she's not my classmate but we always see each other on training. She's a member of cheerleader team.

[Insert photo]

And he's.. my boyfriend. Kiev. He's always grumpy but he's sweet when you get to know him. He's different I guess.. he's my first ever boyfriend so I don't know much about relationship, I think this is normal.. He's romantic^_^

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now