Chapter XXXV

81 6 7
                                    

Chapter 35.

Pagkauwi ay wala akong ginawa kun'di hintayin si Kenji.

Pilit kong pinalalakas ang loob ko habang hinintay siya. Walang mangyayari kung palagi na lang akong magpapakain sa lungkot. Alam kong mahirap para sa 'kin pero sisimulan ko nang sanayin ang sarili ko ngayon.

Maya-maya pa ay may kumatok sa sliding door ng balcony kaya lumingon ako doon. Nakita ko si Kenji kaya agad ko siyang pinagbuksan.

Kinagat ko ang labi ko habang pinapanood siyang tanggalin ang sapatos siya. Sasabihin ko ba? Paano ko sasabihin?

Naghintay ako ng ilang segundo bago magsalita. "Kenji, t-tuloy yung kaso."

Kumunot ang noo niya bago tumingin sa akin. Bumuntong hininga siya nang makita ako ng tuluyan. "Alam ko."

"Anong gagawin ko?" Hirap kong sabi.

"Kim, maniwala ka sa 'kin. Hindi ka makukulong." Seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Paano mo nasisiguro?" Mahinang tanong ko.

Imbis na sumagot ay tumingin siya sa relo niya at kinuha ang phone niya sa bulsa. Saglit niya 'yong pinindot bago binigay sa akin.

Nagtataka ko 'yong tinignan. Pansin kong video 'yon ng isang balita.

"In last year's tragedy at Lakeshore University, the five school shooters have been identified.. The photos of the suspects will be shown on your screen. They are... Stephen Guevarra, Riego Lor, Tim Matte, Lorenzo Greaves.. and Hazel Greaves. Apparently, they were found by a hacker technocrat. For reasons of privacy, we will not disclose his name .."

Binaba ko ang phone at tumingin kay Kenji. Seryoso ang ekspresyon niya pero magaan ang pagtitig niya sa akin. "Nagsisimula pa lang magbunga yung mga pinagpaguran ko, Kim."

Hindi ako nakasagot agad at pilit iniintindi ang video na pinakita niya.

Nahanap na sila?

"Hindi kita pababayaan.. akong bahala sa'yo palagi." Sabi niya at may kung anong dumampi sa dibdib ko at bigla akong naging emosyonal.

Eto ba 'yung ginagawa niya noong wala siya sa tabi ko? Eto ba 'yung sinabi ni ate Shaye na pagtulong na tinutukoy niyang ginagawa ni Kenji?

Bigla na lang lumabas sa isip ko yung mga panahong hindi kami magkasama.

"Salamat.." Sabi ko at hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak.

Hindi ko alam kung paano magpapasalamat sa kanya. Nahihiya ako kasi pinagduduhan ko pa siya noon. Hindi ko alam.. hindi ko alam na para sa akin pala lahat ng ginagawa niya noong wala siya sa tabi ko.

Huminga siya ng malalim at marahan akong hinila papalapit sa kanya. "Halika." Sabi niya at marahan akong niyakap.

Hinaplos niya ang likod ko habang hindi matigil ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko.

"Kim, 'wag ka nang umiyak.." Nagmamakaawang sabi niya habang nakayakap sa akin. "Hindi ko kaya kapag nakikita kitang malungkot.."

Marahan ako kumalas sa kanya at pinahid ang luha sa pisngi ko. "H-Hindi naman ako malungkot.. s-sobra lang akong masaya dahil sa'yo."

Saglit kong pinaklama ang sarili ko bago ulit nagpunas ng luha. "T-Thank you s-sooobra.. sa lahat. Thank you kasi p-palagi mo akong iniintindi. P-Palagi mo akong inaalala. Sorry kasi pinagduduhan kita noon. A-Akala ko kasi ayaw mo n—"

Kumunot ang noo niya at hinapit ulit ako papalapit sa kanya. Niyakap niya ako ulit kaya bumalik na naman ang luha sa mga mata ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga sa leeg ko. "Hindi 'yon mangyayari." Malambing niyang sabi at dahan-dahan akong pinaharap sa kanya. "Makinig ka.. lahat ng ginagawa ko, nakakonekta sa'yo, Kim. Hindi pwedeng hindi.."

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now