Chapter XXX

94 8 15
                                    

Chapter 30.

Kinuha ko ang kumot sa may bandang paa ko bago nagtalukbong sabay yakap ng mahigpit sa unan na hawak ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nasa harapan ko na siya. Paniguradong titignan at titignan niya ang hiwa sa pulso ko. Anong sasabihin ko? Hindi ko ugaling magsinungaling sa kanya pero ayoko namang sabihin sa kanya ang ginawa ko sa sarili ko.

Bumangon ako at umupo. Kinagat ko ang labi ko habang nag-aalala ang mga mata kong nakatingin sa baba.

Tumayo ako at naisipang linisin ang kwarto ko. Hindi naman 'yon gaanong magulo pero 'yon lang ang naiisip kong paraan para mawala ang pag-aalala na nararamdaman ko.

Nang matapos ay nakaramdam ako ng kaunting pagod. Lumingon ako sa harapan kung nasaan ang mirror length at doon napansin kong hindi pa pala ako nagbibihis.

Inayos ko ang buhok ko bago dumiretso sa cabinet. Humablot ako ng pair of pajamas bago presenteng nagbihis. Pagkatapos no'n ay bigla na lang akong nakaramdam ng antok. Lumingon ako sa kama bago inaayos ang mga unan at doon nahiga.

Hindi ko na namalayang pumikit na nang tuluyan ang dalawa kong mata. Hinayaan ko na lang ang sarili kong makatulog.

·   ·   ·   ·   ·   ·   ·   ·

Naalimpungatan na lang ako nang makaramdam ako ng uhaw. Babangon na sana ako nang may napansin akong nakaupo sa study table habang nakaharap sa akin.

"Bakit mo 'ko tinulugan?"

Napahawak ako sa kama bilang alalay nang marinig ko ang boses niya.

"Kanina ka pa?" Nag-aalalang sabi ko.

Umiling siya sa akin. "Kumain ka na?"

Umiling din bago dahan-dahang tumayo. "Hindi ako nagugutom."

Tumayo siya at lumapit sa akin kaya lumingon ako sa kanya. Walang sabi-sabi niyang kinuha ang kanang kamay ko bago marahang tinaas ang sleeves na suot ko.

"Kim, hindi ako naniniwalang aksidente mo lang 'tong nakuha."

Tumahimik saglit ang loob ng kwarto ko dahil hindi ako sumagot. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa kung anong iniisip niya ngayon.

Pumikit ako ng mariin. "O-Oo na.. nagawa ko lang naman 'yon kasi hindi ko na kaya.."

Hindi ako tumitingin sa kanya kasi alam kong bibigay ang emosyon ko kapag ginawa ko 'yon.

Mali nga ako, hindi ko pa rin kayang magsinungaling sa harap niya. Hindi ko kayang tiisin si Kenji. Pakiramdam ko ay dapat alam niya lahat kasi alam kong siya lang ang umiintindi sa akin sa paraang siya lang ang nakakagawa.

Marahan niyang binitawan ang kamay ko at naramdaman ko na lang na yumakap siya sa akin.

Tinuon ko ang sarili ko sa kanya na para bang ayoko nang humiwalay. Ngayon ko na lang ulit 'to naramdaman. Ayoko nang mawala siya ulit sa tabi ko nang gano'n katagal.

"Hindi ko na kaya.. pupuntahan na kita dito palagi, kahit pa hindi sila pumayag. Gagawa ako ng paraan. Ayokong gagawa ka ng ganito sa sarili mo, Kim.. please.."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Ibig-sabihin ba no'n ay hindi na siya hihiwalay sa akin?

Tinitigan niya ako sa mata at hindi ko inaasahang dadampi ang labi niya sa labi ko kaya hindi ako nakagalaw at nakatitig lang sa kanya. Nakapikit ang mga mata niya habang nakaalalay sa likod ko. Saglit lang 'yon pero pakiramdam ko ay naubusan ako na ng hininga.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now