Chapter XVIII

197 11 36
                                    

Chapter 18.

Nakatitig ako sa salamin habang inaayos ang damit ko.

7:30 na nang magising ako, mabuti na lang at pumasok si mama sa kwarto ko kanina kung hindi ay hindi ako magigising.

Ngayon ang araw na makakausap ko na si Marcus. Hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin napoproseso ng utak ko ang mga pangyayari.

Kahapon nangyari ang pagsabog, kahapon din ako naakusahan.. Mamaya na gaganapin ang imbistigasyon sa kaso ko.

Kung ako lang ang tatanungin, hindi ko na alam ang gagawin ko..

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto. Pagkababa ay naabutan ko si ate na umiinom ng kape habang may kung anong ginagawa sa laptop niya.

"Oh Kim.. nasa labas na sina Claude." Sabi ni ate Kate kaya napalingon ako sa pintuan at nakita ko nga ang dalawa.

Kumaway sa akin si Claude habang si Kenji ay nakatingin lang sa akin.

"Ba't hindi mo sila pinapasok, ate?" Tanong ko habang sinusuot ang sapatos ko.

"Ayaw nila. Sinabi ko kasi na pababa ka naman na kaya hindi na sila pumasok." Sagot niya habang nasa laptop pa rin ang paningin.

Nang matapos ako sa pagsintas ay dumiretso na ako palabas at sinalubong si Claude.

"Okay lang ba pakiramdam mo, Kim?" Tanong niya sa akin.

Tumango lang ako sa kanya at tipid na ngumiti.

Sinulyapan ko si Kenji nang maramdamang hinawakan niya bigla ang kamay ko. Marahan niya akong hinila sa kotse at ngayon ko lang napansin na hindi 'yon sa kanya, kotse 'yon ni Claude.

Pumasok na kami sa loob at hindi ko inaasahang nakabukas ang aircon no'n kaya niyakap ko ang sarili ko.

"Nilalamig ka ba?" Mahinang niyang tanong sa akin.

"Oo eh.." Sagot ko.

"Claude, hinaan mo 'yung A.C."

"Luh mahina na nga yan."

"Pa'nong 'di yan mahina sa'yo eh hindi ka naligo." Sagot niya.

"Hoy! Nag half bath ako." Depensa niya sa sarili.

Umiwas ako ng tingin at tinitigan ang sapatos ko. Kung normal na araw lang 'to, kanina pa ako tumawa sa kanilang dalawa kaso.. hindi.

Naramdaman kong bumaba ang temperature kaya alam kong hininaan na 'yon ni Claude.

"Okay ka na?" Mahinang tanong sa akin ni Kenji. Tumango ako at tipid na ngumiti.


·   ·   ·   ·   ·   ·   ·   ·


Habang nasa byahe ay nakasandal lang ako habang nakatulala sa bintana. Malayo-layo ang East Shore Medical mula sa subdivision kaya hindi na kataka-taka kung nakatulog ang katabi ko sa balikat ko.

Nakagawian na 'to ni Kenji, ang matulog tuwing nasa byahe. Mabilis din kasi siyang tamaan ng antok lalo na kapag wala siyang ginagawa.

Sinulyapan ko siya saglit at bumungad sa akin ang maamo niyang muka. Kumunot ang noo niya nang gumalaw ako kaya pinilit ko ang sarili kong 'wag nang gumalaw para hindi siya magising.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now