Chapter XXXI ⚠︎

113 7 20
                                    

Chapter 31.

Warning: R-18



Kim's POV

‘< 000871 >’

‘I love you Kim’

‘Wag nang magpapalipas ng gutom

- kenji

'Yan ang bumungad sa akin pagkabangon ko. Magsisimula pa lang sana akong magtampo sa kanya kasi wala siya sa tabi ko kaso hindi din 'yon nagtagal nang mabasa ko 'yung sinulat niya. Para saan 'yung number?

Umalis na siya? Anong oras siya umalis?

Kinagat ko ang labi ko bago tinitigan ang kama. Kung hindi ko pa nakita yung sticky note sa cabinet baka maisip ko pang panaginip lang yung pag-uusap namin kagabi.

Saglit ko pang tinitigan ang maliit na papel na hawak ko bago marahang tinupi at tinago 'yon sa bag ko.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay wala akong nadatnan doon kun'di ang dalawang pusa ni ate Kate.

Dumiretso ako sa kusina at doon ko lang nakita si ate Shaye. Gumagawa siya ngayon ng protein shake na palagi niyang iniinom tuwing umaga.

Patikom kong kinagat ang ibabang labi ko bago umupo sa stall chair at presenteng inilagay ang dalawa kong kamay sa lamesa.

Napasinghap si ate nang lumingon siya sa akin. Hindi niya ba ako napansin?

"Gusto mo na bang kumain?" Tanong niya at marahan akong tumango.

Bumaba ang paningin ko nang humarap na ulit siya sa kusina. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Tama bang suwayin ko ang inutos niya? Anong sasabihin ko kung mahuli niya kami?

Huminga ako ng malalim nang mailapag na niya ang mangkok sa harapan ko. Umayos ako ng upo bago sinimulang kumain.

"Anong oras ka natulog kagabi?" Tanong ni ate Shaye kaya nagtaas ako ng tingin.

"Nine.. nagising po ako ng mga 11:30 para uminom ng tubig." Maingat na sagot ko.

Tumango-tango siya bago lumipat ang paningin sa laptop niya.

Mabagal ang bawat pagsubo ko ng kutsara habang malalim ang iniisip. Iniisip ko yung nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang presensya niya sa katawan ko.

Kailan kami ulit magkikita?

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa kwarto ni ate Kate. Nakita ko siyang nakaupo at nakaharap sa vanity table. Nakapajama rin siya tulad ko at pansin kong parehas kami ng suot. Violet lang ang sa akin, sa kanya naman ay light pink, parehas ding long sleeve ang pang-itaas namin pareho.

"Ate.."

Nang lumingon siya sa akin ay doon ko lang napansin na nagpapahid siya ng facial lotion.

"Kim!" Sabi niya sabay lapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Bakit? May kailangan ka?"

Umiling ako. "A-Anong oras po umalis si Kenji?" Umaasang tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"Ewan ko, siguro madaling araw?" Sagot niya kaya napatingin ako sa bintana.

"Wala pang araw nun?"

"Pasikat pa lang ang araw nung bumalik ako dito sa kwarto ko. Pagkaalis niya kasi ay dumiretso na agad ako dito para ituloy yung naudlot kong tulog." Sagot niya sabay balik sa vanity table at may kung anong nilagay sa mata niya.

"Thank you ate.."

"Para saan?" Sabi niya habang hindi nakatingin sa akin at tinuloy ang ginagawa niya.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now