Chapter V

131 11 18
                                    

Chapter 5.

Kasalukuyan kong inaayos ang mga outputs ko sa loob ng envelope habang papalabas ng faculty room. Nang maibigay ko kanina ang lahat ng dapat ipasa ay kinausap ako saglit ni sir Jet. Sinabi niya sa aking napasa ko ang lahat ng outputs na pinasa ko maliban sa special long quiz sa History na hindi ko na daw pwedeng sagutan. Hindi naman daw 'yon nakaapekto sa grades ko, basta maipasa ko lang daw ang lahat ng ita-take namin na written task.

"Lakas mo ah, daig mo pa ako." Bungad sa akin ni Vincent. Sabay kaming pinatawag kanina, parehas kasi kaming late nagpasa ng mga projects.

"Ikaw?" Tanong ko sa kanya.

"May isa akong bagsak eh." Sagot niya kaya naman tinawanan ko siya.

"Ba't kasi si Gelo kinopyahan mo d'yan." Tanong ko sa kanya habang tumitingin sa relo.

"Eh hindi ko naman alam na bobo din siya sa algebra." Aniya at napakamot sa ulo.

Bahagya ko siyang tinawanan. "Tara na nga." Sabay aya ko.

Siya si Vincent, hindi ko siya gaanong close pero madalas kaming magkagrupo. Magaling siya sa biology, magaling din mag-english kaso 'yon nga, mahina sa math. Quits lang, parehas kami.

Patakbo kaming bumalik ng building. Kanina ko pa siya napapansing natatapilok pero sinasabayan pa rin niya ako kaya ako na ang nag-adjust at binagalan ang pagtakbo ko.

Anong oras ba ang subject ni miss Flores? Hindi ko nacheck yung schedule ngayon. Sana hindi niya kami maabutan.

"Wala pa?" Tanong ko kay Irish nang makasalubong ko siya sa hallway.

"Eto nga, susunduin ko."

"Nagpapasundo?"

"Oo, may ipapabitbit daw eh. Kamusta nga pala 'yan?" Aniya, tinutukoy ang envelope na hawak ko.

"Okay lang, pasado." Nakangiting sabi ko.

"Naks." Sabi niya habang nakangisi. Tinapik niya ang balikat ko't nauna nang umalis.

Siya naman si Irish Filemeno, madalas siyang napagkakamalang bakla kahit ang totoo ay mas straight pa siya sa line of nine ni Vincent. Cool siya, palagi niyang kasama yung mga volleyball players. Siya din madalas ginagawang pambato bilang muse sa intrams.

Balak ko na sanang pumasok sa loob nang biglang may humila sa braso ko.

"Hoy Kim."

Napatingala ako at hindi inaasahang bubungad sa akin si JJ.

Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang muka niya. "Bakit?"

"Nakauwi ka na pala?" Sarkasisto nitong sabi.

Mas lalong sumama ang timpla ng muka ko, nagtataka kung saan siya kumukuha ng kakapalan ng muka para kausapin ako.

Hindi ko siya binigyan ng kahit isang salita pa dahil mas madami pa akong iintindihin. Ayokong masayang ang kahit isang minuto ko dahil lang sa kanya.

Tinalikuran ko na siya't dumiretso na sa loob ng classroom. Tagumpay naman akong nakapasok kaya tahimik akong nakahinga ng maluwag.

"Si JJ ba 'yon?" Tanong sa akin ni Ashley, hindi ko siya sinagot. "Kamusta nga pala grades mo?" Kinuha niya ang envelope na nilapag ko sa desk at chineck ang lahat ng laman no'n. "Wow... mas mataas pa score mo dito kesa kay Faith ah?" Aniya habang hawak ang isang bondpaper.

Imbis na sagutin siya ay lumingon ako sa likod para tignan kung nakatambay pa rin doon si JJ. Walang bumungad na tao doon kaya nakahinga na ako ng maluwag.

"Ang cute mong magdrawing." Aniya habang tinitignan lahat ng outputs ko.

Natigil lang siya sa ginagawa nang marinig naming pareho ang pag-buzz ng phone niya. Pinanood ko lang siyang basahin ang text na natanggap niya.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now