Special Chapter I

126 7 20
                                    

A/N: gift ko sa inyo kasi namimiss ko na sina kenji :3



Part 1.

Kim's POV

Naglalakad ako mag-isa sa hallway habang yakap ang manipis na libro na hawak ko.

Huminga ako ng malalim nang makita ko na naman siya.

Bakit hindi sila magkasama ngayon?

Tumungo ako ng bahagya at naglakad ng mabilis. Sana hindi nila ako nakita.

Pagkarating ko sa classroom, sinalubong ko kaagad si Ashley. Tinanong niya ako ng kung ano pero hindi ko 'yon pinakinggan.

Walang gana kong nilapag ang bag ko bago sumandal sa desk.

"Bakit parang pagod ka? May problema ba?" Tanong ni Ashley sa akin habang hinahalo ang iced coffee niya.

Naramdaman ko na naman ang sakit na naramdaman ko kahapon kaya tahimik akong huminga ng malalim.

"Huy, nag-away kayo 'no??"

Nang hindi ako sumagot ay may kinuha siya sa bag niya. Naglapag siya ng isang notebook at ballpen sa harapan ko. Buti nga at nakita ko pa 'yun kasi nararamdaman ko na ang tubig sa mga mata ko.

"Sulat mo d'yan kung ayaw mong sabihin sa 'kin."

Tinakpan ko ang muka ko nang sabihin niya 'yon. Alam ko kasing konti na lang at tutulo na ang luha sa mga mata ko.

Bakit kasi hindi mo na lang sinabi sa 'kin, Kenji?

"Kim."

Pinilit ni Ashley na alisin ang palad sa muka ko. Wala na 'kong nagawa nang maalis niya 'yon.

Tinitigan niya ako saglit. "May problema ka ba?" Nag-aalala niyang sabi.

Umiling ako. "W-Wala.. okay lang. Pagod lang ako kahapon pa." Mahina kong sabi.

"Talaga? Gusto mo ako na gagawa ng part mo sa th—"

"N-Nagawa ko na, promise." Pigil ko.

"Sure ka? 'Pag 'di mo na kaya, tawagan mo lang ako. Palagi akong free." Sabi niya pero nawala ang atensyon ko sa kanya nang mahagip ng paningin ko si Jashley sa labas.

Umiwas ako ng tingin at binalik ang tingin sa harapan.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay dumiresto ako agad sa bahay.

Hindi ko na hinayaang mapansin pa ako nila ate at dumiresto na sa kwarto ko.

Kinabukasan ay wala akong kinausap. Wala akong gana. Sinadya kong ipakitang wala ako sa kondisyon para hindi na ako kulitin pa nila Ashley.

Naglalakad ako ngayon papuntang cafeteria nang makita ko na naman sila.

Napahigpit ang hawak ko sa panyong hawak ko bago napagdesisyunang tumuloy sa loob.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang makalapit ako sa counter.

"Set C.." Malamlam ang mga mata kong sabi.

Pagkakuha ko ng order ko ay naglakad na agad ako papaalis.

Wala pa akong ilang hakbang pero gusto ko na ulit pumasok sa loob. Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang tanungin.

Alam ko namang kailangan ko siyang kausapin tungkol doon pero parang hindi ko kaya. Hindi ba pwedeng siya na lang ang lumapit sa 'kin?

Pero paano niya 'yon magagawa kung magkasama sila??

"Fuck ka talaga, Kenji!" Rinig kong sabi ni Claude sa 'di kalayuan habang papalabas ako ng gate. Mas lalo ko tuloy binilisan ang lakad ko.

"Hoy, Kim. Ngayon na lang ulit kita nakita. Ba't 'di ka sumama sa 'min kanina?" Si Miho.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now