Chapter II

167 13 9
                                    

Chapter 2.

Pasado alas kwatro na nang matanaw ni Mathew si Kenji.

"Kanina ka pa?" Panimula nito.

Umiling si Mathew at pinuwesto ang kamay sa likod ng kaibigan. "Kamusta ka na?"

"Ayos lang, ikaw ba?"

Nagmakeface si Mathew na parang sinasabing 'weh?' Kaya naman sinuntok siya ni Kenji sa braso. Tinawanan lang niya ito kahit ang totoo ay medyo napalakas ang suntok ng kaibigan.

"Ano nga pala yung sasabihin mo sana?"

Napaayos bigla ng tayo si Mathew. "About kay..." Napakamot siya sa ulo, namomroblema kung paano sisimulan. "Nakita ko kapatid ni... ni ano.. ni Kim."

Kumurap ng isang beses si Kenji. "Ha? Oh tapos?"

"'Yun lang, hindi ko pa sigurado kung kasama niya si Kim, basta natanaw ko lang siya kaninang umaga. Late kasi ako kanina eh."

"'Yon lang?"

"Meron pa." Aniya. Hindi sumagot si Kenji at naghintay lang sa sasabihin ng kaibigan. "Nireject ako ni April."

Matagal bago siya nagreact sa sinabi ng kaibigan. "Hindi ka naman nanliligaw doon ah?" Aniya na siya namang nakapagpatawa kay Mathew.

"Joke lang! Ang totoo, kanina ko lang din nalaman na sinagot na pala niya si Matt."

Bahagyang siyang nagulat at nilingon ang kaibigan. "Si Matt? May nililigawan pala 'yon?"

"Oo eh, kaya kung pwede, samahan mo ako kahit ngayon lang. May gagawin ka ba?"

Tumingin siya saglit sa itaas, animong naghahanap ng sagot. "Meron eh, bakit? Aalis tayo?"

Tumawa si Mathew kahit seryoso naman si Kenji sa tanong niya. "Manlilibre daw si Claude, d'yan.." Aniya sabay turo sa sunset foodmart.

Sandaling nag-isip si Kenji bago tumango. "Sige pero hanggang alasingko lang ako ah?"


▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃


● Raiden Baltazar · Online

RAIDEN
tutuloy ka ba?

KENJI
[Like]

RAIDEN
Oo ba yan? ☹️

KENJI
Oo, sino sino ba kasama dyan?

RAIDEN
Ako, claude, mathew, ikaw

RAIDEN
galing kami sa hospital, binisita
namin si antonette

KENJI
Kamusta na daw sya?

RAIDEN
Di pa rin namin sure

RAIDEN
hindi pa rin gumigising ..

RAIDEN
Nasaan na kayo?

KENJI
Tingin ka sa likod mo

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃


Nang lumingon si Raiden ay kumaway agad si Kenji sa kanya.

"Ngayon na lang ulit kita nakitang ngumiti." Sabi ni Claude nang makalapit ang dalawa.

"Eh parang ngayon na lang ulit kayo nagkita." Singit ni Mathew.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now