Chapter III

146 11 9
                                    

Chapter 3.

Kim's POV

"Kimmm!!!"

"Na-miss ka namin, Kim."

Nginitian ko silang lahat, lumapit naman sila sa akin at mahigpit akong niyakap. Sa inaasahan ay kinamusta nila ako kaya sinabi kong ayos lang at 'wag akong alalahanin.

Halos tatlong buwan din ako sa Singapore kaya hindi ako gaanong naninibago. Mas na-homesick pa nga ata ako doon kesa dito.

"Yieee namiss ko amoy mo!"

"Ako, hindi." Biro ko kay Ashley.

Hinampas niya ako kaya tinawanan ko siya.

"Lakas mo pa rin mang-asar."

"Kamusta ka na pala?” Tanong ni Faith sa akin.

Ilang segundo bago ako nakasagot. ”..Ayos lang.”

Ilang minuto pa't dumating na din si Miho. Ang matalino kong kaibigan. Sa sobrang kapal ng eyeglasses ay halos hindi ko na siya makilala. Tuwing magkikita kasi kami ay contact lens ang suot nito at hindi salamin.

"Kim.." Malumanay niya akong tinawag, ngumiti naman ako sa kanya.

Saglit ko siyang pinasadahan ng tingin at nagtaka ako kung bakit ang tamlay niya ngayon. Mahinhin naman siya palagi pero bakit parang wala akong nakikitang emosyon sa kanya?

"Ate Ash!"

Magsasalita pa sana ako nang may marinig kaming pamilyar na boses. Lumapit ito kela Ashley at nakipag fistbump. Hindi ata ako napansin..

"Saan kuya mo?"

"Si kuya na naman?" Aniya na parang batang nagrereklamo.

"Eto naman, mas close kasi kami ng kuya mo, Von. Ba't ka 'andito? Wala ka bang klase?"

"Wala kaming teacher."

"Wala? Oh eh saan ka pupunta? Sa cr?" Tanong ni Faith.

Bubuka pa lang ang bibig ni Devon para sana sumagot nang isang bata pa ang tumakbo papalapit sa amin. Napahigpit naman ako ng hawak sa panyong kanina pa nasa kamay ko nang makita ko kung sino yon.

Kinulbit niya si Devon at animong may sasabihin sa kaibigan nang hindi inaasahang magtapat ang mga mata namin.

Mabilis itong nag-iwas ng tingin at humarap kela Miho. "Ah..h.. sa cr nga po.. Tara na, Von!"

Lilingunin na sana ni Devon si Winston nang mahagip niya ako. Bakas din sa kanya na hindi inaasahang makita ako dito.

"Ikaw, Ton? nasaan kuya mo?"

"W-Wala po eh." Aniya sabay sulyap ulit sa akin.

"..Tara, cafeteria." Singit ni Devon. "Ah.. Una na po kami." Tumungo siya ng isang beses para magpaalam.

Hinawakan ni Devon ang likod ni Winston at sabay silang tumakbo palayo.

Naiwan ang tingin ko sa direksyon kung saan sila tumakbo. Nahimasmasan lang ako nang magsalita si Ashley.

"Ang popoging bata! Ang gwapo ni Devon 'noh? Mas pogi na sa kuya niya." Aniya, nakatingin din sa direksyon kung saan ako nakatingin. "Si Winston naman.. halos magkamuka na sila ng kuya niya." Dagdag niya sabay tingin sa akin.

Hindi ako nagpakita ng reaksyon at umarteng simpleng biro lang ang sinabi niya.

"Para sa 'kin, mas pogi si Claude." Ani Miho.

"Susss!"

"Ayieee hahahaha," Asar na sabi ni Faith, siniringan naman siya ni Miho ng pabiro.

Alam kong aasarin na nila si Miho kaya lumayo ako ng onti at umupo sa malapit na picnic table. Tinanaw ko ang Gym, inaaninag kung may tao doon.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now