Chapter XXXIX

109 7 7
                                    

Chapter 39.

III Person's POV

It was 5 a.m. in the morning. Nagkita-kita sina Kenji, Felix at Faith sa tapat ng bahay ni Kenji. Felix brings their family van para 'yon na lang ang sasakyan nila.

"We have to prepare."

Sumakay na sila sa loob. Si Kenji ang mag-isa sa backseat habang katabi naman ni Faith ang kapatid niya sa unahan. She'll be the map guide. Hindi pa sana siya sasama kung hindi lang niya natiis ang boyfriend ng kaibigan niya.

"Hindi ako lalabas ng van kapag na'ndon na tayo ah."

Hindi nagsalita si Kenji at pinanood lang ng tahimik ang tanawin sa labas habang nakasandal siya.

Sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili dahil nagsisimula na siyang dalawin ng kaba.

Maliit lang na medical facility ang Filli Hospital dahil para lang 'yon sa mga bata. Pero ngayon pa lang ay natatakot na siya. Paano kung may maiwan sila?

It was 6:45 when they reached the said province. Tahimik na lumabas si Kenji at kinuha ang mga kasangkapan na gagamitin.

Agad namang ginagawa ni Felix ang dapat niyang gawin. He warned the medical staffs through his way. Ayaw nilang magpakita para na rin sa proteksyon.

Pinanood lang nilang lumabas ng ospital ang mga bata kasama ang mga medical staffs.

"Let's go." Felix cue.

Tahimik silang nagtungo sa Filli Hospital at sinimulan na agad nilang maghanap.

"May nakita na ako." Kenji said. Lumapit si Felix sa kanya.

Kumunot ang noo ni Kenji nang makita kung anong klaseng bomba 'yon. It wasn't a typical bomb dahil maliit 'yon.

It was attached above the ground and the wall.

Napabuga na lang siya sa inis dahil alam niyang mahihirapan silang hanapin kung gano'n 'yon kaliit. Halos kasing laki lang ng kamay niya.


Minutes have passed at sampu na ang nahanap nila. Kanina pa namomroblema si Kenji dahil hindi niya mahanap yung anim na natitira.

"Do we still have time?" Sigaw ni Felix.

Sumenyas si Kenji bago pinagpatuloy ang paghahanap hanggang sa unti-unti na silang nauubusan ng oras.

Nasa labas sila nang makarinig sila ng pagsabog galing sa loob, kasabay no'n ang iyak ng isang bata.

Agad na na-alarma si Kenji at pumasok sa loob ng hospital. Matagal bago niya nahanap kung saan nanggagaling ang iyak.

"Sumama ka sa 'kin." Kenji offered to the kid. Tumahan ang bata at sumunod sa likod niya.

Mabilis niyang pinabantay 'yon kay Faith bago bumalik. Konti na lang ang oras at nagdadalawang isip siya kung papasok pa siya ulit sa loob o hindi.

Bahala na.

Pumasok si Kenji sa loob at mabilis na chineck lahat ng kwarto, ganun din ang mga banyo. Laking gulat niya nang may nakita siyang dalawang batang natutulog sa itaas ng double deck. Hindi sila masyadong kita dahil halos puti lahat ng suot nila at natatakapan ng puting comforter ang balat nila.

Binuksan niya ang bintana at sinalubong doon si Felix.

Dahan-dahan niyang binuhat ang dalawang bata bago inabot sa mga kamay ni Felix.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now