Chapter XI

110 10 11
                                    

Chapter 11.

Kim's POV

"Ash.."

Humarap agad si Ashley sa akin nang tawagin ko siya. May nakasalpak pang kutsara sa bibig niya kaya tinanggal ko muna 'yon bago lumipat ng upuan sa tabi niya. "Puntahan mo si Kenji sa math garden. Sinabi ko kasing doon kami magkikita."

Tumatango-tango siya habang ngumunguya. "Bakit?" Tanong niya sa akin nang marealize ang sinabi ko.

Tinitigan ko saglit ang librong nakalapag sa desk ko. "Sabihin mo sa kanya na hindi ko pa tapos yung pinapagawa ni sir William."

"Huh? Eh wala naman siyang pinapaga—"

"'Yon na lang sabihin mo. Hindi.. hindi pa kasi ako handang kausapin ulit siya tungkol sa nangyari. Kung pwede ikaw na lang muna."

Lumingon muna siya kay Winrose bago ako tanguin. "Ngayon na ba?" Tanong niya sa 'kin.

Tumingin ako sa relo ko. "Late ka na ng four minutes." Sabi ko kaya tumayo na siya at nagpagpag ng palda. "Salamat.."

"Basta para sa love life niyo ayiee–aray!" Hinampas ko siya at pabirong tinaboy. "Oo na, babalik din ako agad.. Rose, bantayan mo 'yan ah." Habilin niya sa mga gamit niya sa desk.

Umalis na siya ng classroom kaya nagbasa na lang ako ng libro habang hinihintay siyang bumalik.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakabalik na agad si Ashley. Sakto pa at kakadating lang din miss Annie.

"Ashley.." Bulong ko sa kanya. Inosente niya akong nilingon. "K-Kamusta na yung katawan ni Antonette?" Kinakabahan kong tanong.

"Si Antonette? Ayun, hindi pa rin gumigising. Apat silang nakaconfine ngayon." Sagot niya kaya nagtaka ako.

Naka confine?

"Akala k-ko namatay siya?"

Kumunot naman ang noo niya sa akin at napasinghap. "Oo nga pala! Hindi ko pa nasabi sa'yo.. Wait... walang nagsabi sa'yo?" Malakas ang pagkakabulong niya pero alam kong hindi 'yon aabot sa unahan.

Bakas pa rin sa muka ko ang pagtataka kaya umayos siya ng upo at bumulong sa akin.

"Hindi kasama si Antonette sa namatay. Isa siya sa anim na nakasurvive. Pero sa ngayon, tatlo pa lang ang gumising sa kanilang anim." Sabi niya kaya bahagya akong nagulat.

"So hindi ko siya napatay?" Nahihirapan kong tanong.

Bumaba ang tingin niya at napansin ko ding lumungkot ang muka niya. "Hindi pa natin sure eh, hangga't hindi pa siya gumigising. Ang sabi ng doctor 60% daw ang chances na magising sila. Kaya hindi imposible." Bigla siyang ngumiti sa akin ng tipid.

Inalis ko ang tingin sa kanya at tumingin sa harapan.

Huminga ako ng malalim.

"Pero wala pa daw nahuhuli sa limang shooters." Rinig kong sabi ng katabi ko. Si Vincent.

Nilingon ko siya at nakatingin ito sa harapan kung saan nagsusulat sa board si miss Annie.

"N-Narinig mo kami??" Kinakabahang bulong ko sa kanya.

"Hindi, si Ashley lang. Ang lakas niyang bumulong eh."

Nilingon ko saglit si Ashley, kasalukuyang siyang nagsusulat sa notebook niya.

"Bakit daw wala?" Tanong ko kay Vincent habang hindi siya nililingon. Ayokong mapansin kami ni miss Annie.

"Hindi daw ma-retrieve yung mga CCTV. Sayang nga kasi may CCTV doon sa kung saan sila nagtago." Sabi niya kaya nilingon ko siya.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now