Chapter XXII ⚠︎

171 6 23
                                    

Chapter 22.


Lumingon ako sa kaliwa kung nasaan ang mga VIP rooms. Patakbo akong pumunta doon. Gusto kong uminom.

Tinanggal ko ng mabilis ang hoodie ko sa ulo bago kausapin ang staff. Binigay niya sa akin ang card kung nasaan ang code bago tumalikod na sa akin. Pipindot na sana ako nang may humawak sa balikat ko.

"Ba't ka nandito?" Seryosong tanong niya.

Lumingon ako at nakita kong nakakunot ang noo niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at pinindot na ang code bago pumasok sa loob. Isasara ko na sana 'yon nang pigilan niya ako at walang sabi-sabing pumasok.

"Kim? Bakit ka na'ndito?"

"Ikaw dapat ang tinatanong ko ng ganyan." Galit na sabi ko.

"Sinamahan ko si Ariane." Sagot niya habang nakatingin sa akin. Tahimik akong huminga ng malalim at tinalikuran siya. Dumiretso ako sa table malapit sa kama at binuksan ang mini cooler at kumuha ng alak.

"Kim."

Binuksan ko ang bote at walang sabi-sabing tinungga 'yon. Anong gusto niyang isipin ko sa pwesto nila kanina? Konti na lang at yakapin na niya si Ariane!

Hinablot niya sa akin ang bote at seryoso akong tinignan. "Anong iniisip mo??"

"Kenji, k-kahit ngayon lang.. 'wag mo akong pakielaman."

Hindi niya ako sinagot kaya tumaas ang tingin ko sa kanya. Ang seryosong tingin niya kanina ay nawala.

Iniwas ko ang paningin ko at kumuha ulit ng alak sa mini cooler. Beer ang nahablot ko. Hindi ako nagdalawang isip pa at binuksan 'yon at tinungga.

Hindi ko na hinayaang mapigilan pa niya ako kaya kumuha ulit ako ng isa.

"Kim.."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nasasaktan ako na naguguluhan.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at kinuha ang beer sa akin. "Hindi ka pwedeng malasing." Mahinang sabi niya bago ininom ang hawak niya.

"Akin 'yan.." Nahihirapang sabi ko.

"Hindi pwede." Sabi niya at binuhat ako. Hiniga niya ako sa kama kaya hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya. "Lasing ka na, Kim. Pa'no kita niyan iuuwi? Wala akong dalang kotse."

"H-Hindi pa naman ako lasing. Kaya ko pa." Sabi ko at pinilit ang sarili umupo.

Tinaas ko ang tingin sa kanya. Malalim ang tingin niya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. "Hindi ka naman umiinom.. bakit ka naandito?" Mahinang tanong ko.

Narinig kong huminga siya ng malalim. "Sinamahan ko lang si Ariane. Dapat kanina pa kami umalis kasi ayokong mag-angkas ng lasing.. kaso pasaway siya, kagaya mo."

Saglit kong hinubad ang jacket na suot ko dahil nakaramdam ako ng init.

Kinagat ko ang labi ko bago tinaas ang tingin sa kanya. "Kenji, h-hindi ako tanga. Bakit magkasama kayo? Bakit hindi ko alam??"

Hindi niya ako sinagot kaya tumayo ako at kumuha ulit ng beer. Mabilis ko 'yong nakahalahati bago pa niya makuha sa akin. Nilapag niya ang lata sa lamesa bago ako seryosong tinitigan.

Huminga siya ng malalim bago ako binuhat at hiniga ulit sa kama. Hindi na ako nakapiglas dahil sa awrang nararamdaman ko sa sarili ko.

Tinitigan ko nang malalim ang damit niya bago hinawakan ang collar niya at walang pasabing hinila ko din siya pahiga sa kama.




Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now