Chapter XXI

103 7 10
                                    

Chapter 21.



"My agreement will only be subject to one condition."

Bahagya kong inayos ang motor bago sinuot ang helmet sa ulo ko. Inabot ko sa kanya ang helmet niya habang nagpapagpag ako.

"What now, Kenji??" Tanong niya nang hindi ako sumagot.

"Ano?" Malumanay na sabi ko.

Ngumisi siya sa akin nang lumingon ako sa kanya. Hinawakan niya ang collar ko kaya napatingin ako sa kamay niya. Lumapit siya sa akin at bumulong.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit?"

"Ngayon lang, promise magbabayad ako.. papayag na din ako sa gusto mo." Sabi niya sabay ngiti. "Hindi naman magagalit si Kim niyan 'diba?" Mahinang sabi niya.

"Hindi.." Nakakunot noong sabi ko. "Hindi naman niya tayo makikita."

"Ang gwapo mo talaga." Rinig kong sabi niya bago sinuot ang hawak niyang helmet. "Tara na?"

Hindi ako sumagot at sumakay na sa motor.





Kim's POV

"Kim, may kumakatok."

Lumingon ako kay ate nang sabihin niya yon. Binaba ko saglit ang hawak kong libro bago tumayo at naglakad patungo sa pinto.

Pipihitin ko na sana ang doorknob nang may narinig akong pag-uusap sa labas.

"Dito ba talaga 'yon, Sean?"

"I think.."

"Ma?? Go on.."

Nanatili akong nakahawak sa doorknob nang may kumatok ulit sa pinto kaya hindi na ako naghintay pa ng ilang segundo at pinagbuksan na sila.

Bumungad sa akin ang isang babae, isang batang lalaki at isang lalaking matangkad pero mukang mas bata pa sa akin.

"Hi, naandiyan ba si Shaye Ng?" Tanong niya sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang mommy nila.

Hindi ko siya nasagot agad dahil napako ang paningin ko sa batang lalaki. May hawak siyang box at doon lang siya nakatingin.

Hindi ko inaasahang tataas ang tingin niya sa akin kaya medyo nagulat ako. "That's Kim!"

Medyo nagulat ang mama niya sa sinabi ng anak niya at gulat din tumingin sa akin. "Ikaw si Kim?"

"Opo.." Taka kong sabi. Lumingon ako sa batang lalaki at bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko siya. "Teka.. ikaw yung—"

"Yes, I'm Wensci! Here's your phone.. don't worry, I didn't raid your other contacts specially those boring apps." Sabi niya sabay abot sa akin ng hawak niyang box. "You don't have games anyway.."

Gulat ko yong kinuha. "Thank you.." Sabi ko sa kanya. Tinignan ko 'yon saglit at nakita kong customize box yon, color brown 'yon at medyo matigas.

"Where's the attorney?" Sabi bigla nung matangkad na lalaki. Napansin kong hawig sila ni Wensci kaya kung hindi man ako nagkakamali ay siya ang kuya niya.

"A-Ah si attorney Zhea? Papunta pa lang. Pasok muna kayo." Aya ko at pinagbuksan sila ng pinto.

Pumasok na sila kaya tumingin ako kay ate Kate. Nanonood siya ng TV kaya hindi niya ako napansing tumingin sa kanya kaya tinawag ko siya. "Ate Kate." Lumingon naman agad siya sa akin. Hindi ko siya sinagot at nilipat ang paningin ko kay Wensci.

Narinig kong suminghap si ate Kate at lumapit sa amin. "Kayo na po ba si Mrs Lam?" Rinig kong tanong niya.

"Yes, I am Tarensia Lam.. This is my youngest child, Wensci.. my nephew, Shannon. Ikaw ba si Shaye?" Malumanay na tanong niya.

Anterograde TomorrowWo Geschichten leben. Entdecke jetzt