Chapter VI

128 11 5
                                    

Chapter 6.

“Miho, kausapin mo naman ako.”

“Busy ako, Kim.”

“Bakit ba parang iniiwasan mo 'ko?”

Kasalukuyan kaming nasa library, naatasan kaming mag-ayos ng shelf b & c. Kami lang ang tao dito sa loob kaya malakas ang loob kong magsalita ng malakas.

Kita kong kumunot ang noo niya habang nag-aayos ng mga libro. “May ginagawa ako, Kim.”

Nanatili akong nakaharap sa kanya, nawawalan ng pag-asa. Alam kong nag-iba ang pakikitungo niya sa akin, masyado siyang naging mailap. Kakausapin niya lang ako kapag nauna akong kumausap sa kanya.

“Hindi eh. Alam kong iniiwasan mo 'ko, bakit? Nagpaalam naman ako sa'yo noon..”

Tumigil siya saglit sa ginagawa. Huminga siya ng malalim bago ako sagutin. ”Pero sa kanya? Nagpaalam ka ba?” Tanong niya nang hindi ako nililingon.

Hindi ako nakapagsalita agad. Napatungo na lang ako nang malaman kung sino ang tinutukoy niya.

“Sorry.. hindi ko kasi..” Napapikit ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya. Hindi niya ako maiintindihan.

“Kasi?” Tanong niya habang padabog na nilalagay ang mga librong hawak niya sa shelf.

“M-Masyadong...” Masyadong malala.

Kita kong bumagal siya sa ginagawa, hinihintay tapusin ang sasabihin ko. “C-Confidential kasi. Nahihiya ako sa kanya kaya hindi ko siya kinausap..”

Pumikit ulit ako ng mariin. Alam kong hindi niya pa rin maiintindihan kaya naghintay na lang ako sa kung ano ang sasabihin niya.

“Nahihiya saan? May ginagawa ka bang ikakagalit niya?” Mahinahon ang pagkakasabi niya pero ramdam ko ang bigat sa bawat letrang binitawan niya.

Nanatili akong nakapikit. Umaasang may lalabas na sagot sa likod ng mga talukap ko.

“Ano ba, Kim? Kaibigan mo kami, sa amin mo sabihin lahat. Gagawin namin ang lahat para tulungan ka.” Sabi nito at sa wakas ay nilingon na ako.

Paano kung hindi?

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Pinipigilan ang emosyon namumuo sa didbib ko.

Masyadong malapit si Miho kay Kenji kaya naintindihan ko siya. Mag kapitbahay na sila simula grade four hanggang first year highschool kaya hindi na kataka-taka kung bakit isa siya sa pinaka naapektuhan sa pagbabago ni Kenji.

Naramdam kong niyakap niya ako kaya hindi ko na napigilan ang sarili, tahimik akong lumuha.

“Kapag handa ka na, sabihin mo sa amin.” Mahinanon na sabi nito sa akin habang hinahagod ang likod ko.

Hindi ko alam kung paano sasabihin, hindi ko din kayang itago sa sarili ko ang nagawa ko. Kung sakali mang itaboy nila ako, tatanggapin ko kahit alam kong hindi ko kaya.

“Sorry..” Halos walang lumabas sa bibig ko.


·   ·   ·   ·   ·   ·   ·   ·


“Ate naman eh. Bakit naman ngayon pa?” Reklamo ko kay ate Shaye. Nasira kasi ang kotse niya.

“Hays! Hala siya't magpahatid na lang tayo kay Aldrich!”

Nakita kong lumabas si papa galing sa garage. “Magmiryenda muna kayo doon sa loob. Tatawagan ko lang siya saglit para sunduin kayo.” Sabi niya na agad naman naming sinunod.

Isang oras din ang tinagal ng paghihintay namin ni ate bago dumating si kuya Aldrich.

“Saan ko kayo ihahatid?” Bungad agad nito sa amin. Binulong naman ni ate Shaye ang sagot kaya inaasahan ko ng aasarin niya ako.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now