Chapter XLIII

134 8 21
                                    

Chapter 43.



"Kim, gising."

Kim breaths became difficult. He breaths heavily as he hears Kenji's voice.

Animong isa siyang lasing na nahihirapan imulat ang mga mata.

Sa isang iglap, namulat na ang mga mata niya. Napaupo bigla sa kama at hinihingal siyang napahawak sa dibdib.

Nilingon niya ang paligid ng kwarto. Parang may hinahanap pero miski sa sarili niya ay hindi alam kung ano 'yun. Pakiramdam niya ay may kulang.

N-Nananaginip lang ako 'diba?

Napahawak siya bigla sa ulo niya at mahinang napadaing. Niyakap niya ang binti niya nang maalala ang nangyari.

"H-Hindi 'diba? Nangyari talaga 'yun. N-Nangyari talaga 'yun, Kim." Bulong niya sa sarili.

His tears starting to fell. Natatakot siyang baka gawa-gawa na naman ng isip niya ang mga naaalala niya.

Ilang beses na kasi 'yong nangyari. Ilang beses niya din kasing hinihiling na sana kahit sa panaginip man lang ay makita niya si Kenji.

Napatikom siya ng bibig, pinipigilan ang luha bago bumangon sa kama. Plano na sana niyang bumaba nang biglang tumunog ang phone niya.

Saglit niyang pinunasan ang luha sa pisngi bago kinuha ang phone sa loob ng cabinet.

Binuksan niya ang phone at chineck agad ang inbox.

At gano'n na lang ang pagtigil ng luha niya nang makita kung sino 'yon.


Kenji: Sunduin kita bukas.


Napasinghap bigla si Kim. Hindi makapaniwala sa nabasa niya.

Tama ba ang nakikita niya?

Hindi siya makagalaw at parang napako ang paningin sa screen ng phone niya.

Tumunog ulit ang phone kaya kahit papaano ay nahimasmasan siya. Pinunasan niya muna ang muka niya bago 'yon binasa.


Kenji: At 'wag mo nang isiping nananaginip ka kasi magsisimula na akong magtampo.


Kinagat ni Kim ang labi niya, hindi niya kayang paniwalaan ang nakikita niya.

Totoo ba 'to?

Nakatulala lang siya sa phone niya nang biglang mag-ring 'yon sa kamay niya. Nataranta siyang umupo say kama bago tinignan ulit ang screen. May tumatawag.

"T-Teka, pa'no ba 'to." Sasagutin ko ba?

Nahihirapan pa rin siyang kumilos dahil panay ang pagbabadya ng luha sa mga mata niya, kaya kahit hindi niya makita kung sino ang caller dahil sa panlalabo ng mata, sinagot niya pa rin ang tawag.

"Kim."

Naalarma siya nang marinig na niya ang boses niya.

"K-Kenji?"

"Ako nga." Sagot ni Kenji sabay ngiti sa kabilang linya.

"B-Bakit ka napatawag?" Tanong ni Kim. He's struggling to find the right words to say.

"Tinignan ko lang kung nagpalit ka ng number. Hindi ka kasi nagrereply."

Ilang segundong tinitigan ni Kim ang screen bago niya binuksan ang inbox ni Kenji. Nakita niyang may message nga 'to kanina na hindi niya nareplyan.

"N-Nakatulog ako eh. Hindi ko na nacheck yung phone ko pagka.. hatid mo sa 'kin."

Nang maalala ni Kim ang nangyari kanina ay bigla siyang naliwanagan.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now