Chapter VII

126 12 11
                                    

Chapter 7.

Gulat na gulat si Kenji habang nakahawak pa rin ang kamay sa doorknob. Si Kim naman sa kabilang banda ay hindi maalis ang tingin sa t-shirt ni Kenji, iniiwasan niyang magkasalubong ang mga mata nila.

Wala kang makikitang reaksyon sa kanya pero bawat tibok ng puso ay naririnig niya mismo. Gano'n na lang kalakas ang tibok ng puso nito kaya naririnig niya ang sarili.

“Sorry! Akala ko dito yung guestroom.” Kinakabahan na sabi ni Kim.

“Ayos lang.. 'Yan lang yung guestroom sa likod mo.” aniya at tinuro ang katapat na kwarto.

Tumango na lang si Kim kahit ang totoo ay alam niya kung saang kwarto ang guestroom nila. Minsan na kasi siyang dinala ni Kenji dito kaya kabisado na niya ang pasikot-sikot sa bahay nila. Kampante din siya na hindi mahahalata ang palusot na sinabi niya kanina. Ang guestroom kasi na tinutukoy ni Kenji ay dating kwarto ni Winston. Nalaman lang niya 'yon nang makita niya si Winston na pumasok sa katabing kwarto ng kuya niya imbis na sa tapat nito.

Biglang bumuhos ang ulan sa labas kaya napatingin ang dalawa sa dulo ng hallway kung saan may malaking see-through glass

Si Kim ang naunang lumingon. Nilingon naman siya ni Kenji at tipid na ngumiti. Tatalikod na sana ito nang magsalita ulit si Kim. “Ahh Kyler, pwede ba tayong mag-usap?”

Kumikinang ang mga mata ni Kenji habang nakatingin sa kausap. “Bakit?” Malumanay na tanong niya.

“Pwede ba? Ayos lang kung ayaw mo.”

“Ayos lang.” Tipid na sagot niya.

Sa oras na 'yon ay walang pasabing hinila ni Kenji si Kim papaloob sa kwarto niya.

“H'wag kang sisigaw.” Nakakunot noo nitong sabi.

Alam niyang may balak sabihin si Kim sa kanya kanina pa, at hindi na niya kayang tumagal pa iyon kaya siya na mismo ang nagbigay ng tahimik na lugar para sa kanilang dalawa.

Imbis na kwestyonin ni Kim ang paghila sa kanya, sa halip ay naghanap ito ng t'yempo kung paano sisimulang magpaliwanag.

Hindi siya mapakali at napansin 'yon ni Kyler kaya hinawak niya ang braso ni Kim para pakalmahin ito.

“Bakit?” Nagtatakang tanong nito nang mapansin ang kinikilos ni Kim.

Kung saan-saan na napadpad ang mata ni Kim. Hindi niya alam kung paano magsisimula.

Pumikit siya ng mariin bago humarap kay Kyler.

“Naalala mo yung nangyari noong September?” Tanong niya. Habang hindi pa siya nakakakuha ng sagot ay nag-isip na siya ng sunod na sasabihin.

Tumango lang ito sa kanya bilang sagot. Lumipat ang paningin ni Kim sa sahig at huminga ng malalim, “Si Antonette... a-aksidente ko siyang napatay.”

Nanlaki ang mga ni Kenji at nabitawan ang mga balikat ni Kim. Hindi inaasahan ang sinabi nito.

“Hindi ko 'yon sinasadya, maniwala ka sa 'kin.” Nanatili sa pagkakaupo si Kim. Hindi niya napigilang mamuo ang luha sa mga mata niya.

Hindi agad nakapagsalita si Kenji. Hindi alam kung paanong reaksyon ang ipapakita sa nalaman niya.

“P-Paano?” Tanong niya kay Kim, malamlam ang mga mata.

Umiwas ng tingin si Kim, plano na sana niyang magsalita at magpaliwanag nang biglang may kumatok sa pinto.

“Kuya! Nakalimutan mo binder mo.” Rinig nilang sigaw ni Winston.

Pinunasan ni Kim ang luha nang inaalis ni Kenji ang paningin sa kanya. “Mamaya ko na kukunin.” Sagot nito sa kapatid.

Hindi nakinig si Winston at walang ano-ano'y binuksan ang pinto. “Hindi, eto na, baka matapon pa ni mama— oh.. Ay.. S-Sige, mamaya na lang.” Aniya at dali-daling lumabas ng kwarto.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now