Chapter IX

142 13 3
                                    

Chapter 9.


Kasama ko ngayon si Ashley sa kotse nila. Nasa tapat kami ng mall. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang takot na bumabalot sa akin.

"H-Halos sampung metro lang ang layo niya sa amin kaya hindi ako pwedeng magkamaling siya yung nabaril ko."

Tumulala ako sa harapan habang inaalala ang nangyari kanina.

Kaming dalawa lang ang nasa loob ng kotse dahil hindi kami sumama sa papa niya sa loob ng mall. Wala na kaming lakas para maglakad-lakad.

"Anong gagawin ko Ashley?" Namamaos na tanong ko.

Humarap siya sa akin at hinawakan ako sa balikat. "Wala ka munang pagsasabihan."

Pinunasan ko ang luha ko. "Bakit? Pinatay ko siya—"

"Hindi mo naman 'yon sinasadya! Niligtas mo lang naman si Miho. Kung hindi mo 'yon ginawa, baka si Miho ang wala ngayon."

Hindi ako sumagot, tahimik akong humikbi.

Kung hindi sana ako naduwag at binuksan ko ang mga mata ko, hindi ko sana siya mababaril.

Pero anong saysay noon? Dumilat man ako o hindi, magkakasala pa rin ako. May matatamaan pa rin ang baril ko..

"H-Hindi ko talaga kaya Ashley.. Sasabihin ko sa mga magulang niya na ako ang n-nakabaril sa kanya."

"Kim, hindi mo 'yon sinasadya.. Wala kang kasalanan. Hindi mo 'yon ginusto, niligtas mo lang ang kaibigan natin. Please.. Nineteen ka na oh. Pwede ka nang makulong"

"Edi makulong! ..Gusto ko man 'yon oh hindi, napatay ko pa rin siya."

Nilikom ko ang kamao ko. Pumikit ako at pinilit ikalma ang sarili. Gusto kong iuntog ang ulo ko ngayon pero nanghihina ako.

"Alam ko pero.." Huminga siya ng malalim. "Kung gusto mong umamin, 'wag muna ngayon. Pahupain mo muna, kasi baka kung ano na lang ang maging reaksyon nila sa'yo pag nalaman nila.. baka magpadala sila galit.. kaya h'wag muna ngayon.. please."

Punong-puno ng pag-aalala ang mata ni Ashley sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya bago tumango.

"Salamat." Mahina kong sabi at niyakap siya ng mahigpit.














▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄

LAKESHORE UNIVERSITY 𖤘  ● Public Post
October 21  ·  8:05PM

𝖭𝖤𝖶𝖲: 13 students were reported killed in a school shooting at the Lakeshore University. 6 students were injured and currently unresponsive. General police say the shooters planned the attack over a period of months. All the CCTV cameras near the said location were damaged and corrupted. The search is still ongoing and under further investigation.

45K likes     |   2K Comments   |    6.2K Shares

▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄











Kyler's POV

"Buti na lang wala ka doon kuya."

Nakaupo ako ngayon sa kama. Masama pa rin ang pakiramdam ko pero napilitan akong magbukas ng internet ngayon dahil sa nasagap kong balita.

"Kamusta si Kim, Winston? Nakita mo ba siya?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung nasaan siya kanina pero ang sabi nila ay siya daw ang nagturo sa tatlong lalaking nagpaputok ng baril."

Napahawak ako sa dalawa kong binti at saglit na pinakiramdaman ang sarili. "Ayos lang ba siya? Sina Raiden?"

"Ayos lang sila. Kasama ko si kuya Raiden nung time na 'yon. Sina ate Faith at Ashley naman at yung dalawa pa nilang kaibigan ay naando'n sa Sunset foodmart. Nagulat nga din sila nung nalaman nila. Buti na lang daw lumabas silang apat.. kaso inaalala nila si Kim. Naiwan nila sa loob."

Huminga ako ng malalim bago tumayo.

Pupuntahan ko siya.

"Oy kuya! Bawal pa, baka binatin ka nyan. Si tita Evelyn na ang bahala sa kanya, tsaka.. naando'n naman sina ate Ashley."

Malungkot akong bumalik sa kama at umupo.

Nag-aalala ako sa kanya.

"Paki sabi na lang na ayos lang ako kaya h'wag na niya akong alalahanin." Sinserong sabi ko sa kapatid ko.

Tumango siya sa akin at ngumiti. Nang lumabas siya sa kwarto ay nahiga na ulit ako sa kama.









End of flashbacks.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now