Chapter XL

118 9 22
                                    

Chapter 40.

Kim's POV

Pinunasan ko ang luha ko habang naglalakad patungo sa bahay nila Kenji.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung na'ndito ang kapatid niya o si tita pero sana ay naando'n sila. Gusto ko lang malaman kung nasaan si Kenji.

Mapupungay ang mga mata kong kumatok. Nakailang katok pa ako no'n bago may nagbukas ng pinto.

Lumiwanag ang paningin ko nang makita ko si Winston.

"Ton." Gulat kong sabi. Maski siya ay nagulat nang makita ako.

"Pasok ka po." Sabi nito kaya sumunod na ako sa loob.

Nang makapasok ay saglit kong hinanda ang sarili ko. Hindi ko na kayang patagalin pa, halos ilang araw akong hindi matahimik kakaisip. Hinarap ko na agad siya bago tinanong ang kanina ko pa gustong malaman.

"Sa UK po.." Sagot niya kaya natigilan ako. "Doon po siya kumukuha ng treatment dahil kay tito."

Nahihirapan akong huminga kaya binalingan ko ang bintana, animong iniisip na nasa kabilang bahay lang si Kenji.

"S-Sinong tito?"

"Doctor po siya. Doon siya naka-base sa UK." Sagot niya at bahagya akong pinagmasdan. "Ahh.. umiiyak ka po ba?" Mahina niyang tanong.

Bahagya akong nataranta at pinunasan ang muka ko. "H-Hindi.. sinisipon lang."

"Gusto mong tubig?" Nag-aalalang sabi niya sa akin pero humindi ako.

Tatalikod na sana siya patungo sa kusina pero pinigilan ko siya. "Bakit hindi siya nagpaalam?" Tanong ko na nakapagpasinghap sa kanya.

"Nakalimutan kong hindi kayo nagkita.." Mahina niyang sabi. "Naging severe po yung sugat ni kuya tapos nanghina pa lalo 'yung katawan niya kaya hindi na siya nakapagpaalam pa sa inyo o miski kina kuya Claude.. pero may sinulat po siya para sa'yo ah. Natanggap niyo 'yon 'diba?" Tanong niya kaya tumango ako.

Ngumiti siya sa akin. "Nabasa ko 'yun." Sabi niya na hindi ko inaasahan. "Pwede ko bang malaman bakit ka po nakipagbreak?"

Saglit akong natigilan pero umiling din ako. "H-Hindi mo na kailangang malaman." Sabi ko. Mas makakabuting hindi na niya malaman dahil alam ko namang walang sinabi si Kenji tungkol doon sa ginagawa niya kasama si Felix.

Kahit nga ako, hindi ko alam.

Sumimangot siya. "Ang daya n'yong dalawa."

Pinunasan ko ang muka ko at saglit na pinagmasdan ang loob ng bahay. "M-May kasama ka ba dito?"

"Wala nga po eh." Sabi niya sabay kamot ng ulo. "Iniwan nila akong mag-isa dito pero ayos lang kasi marunong naman na akong magluto."

"Talaga? Palagi mong ichecheck yung pinto ah." Paalala ko. Tumango naman siya sa akin bilang sagot.

"Kumain ka na pala?" Sabi niya bago tumayo at gumaya padiretso ng kusina.

Mukang sure na siyang ikukuha nga ako ng pagkain kaya hindi na ako humindi. "Thank you.." Sabi ko. Namangha ako dahil curry 'yung niluto niya. Hindi ko alam na marunong pala talaga siyang magluto. Akala ko kasi ay mga simpleng prito lang ang alam niya.

"Ginamitan ko lang 'yan ng instant powder." Sabi niya kaya napangiti ako dahil sa kakulitan niyang sumagot kahit seryoso naman siya.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na akong kumain. Nagpasalamat pa ulit ako sa kanya bago umalis.

Bukas ang balik ko sa Lakeshore at hinahanda ko na ang sarili ko. Magdadalawang-isip pa sana akong bumalik kung hindi lang pinapalakas ng mga kaibigan ko loob ko.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now