Chapter XII

138 12 22
                                    

Chapter 12.

“Kumain ka muna.”

Inabutan ako ni ate ng isang bowl ng aroskaldo. Nginitian ko siya nang ilapag niya 'yon sa ibabaw ng shelf malapit sa 'kin.

“Niluto 'yan ni mama. Kung gusto mo ng tubig, tawagin mo lang ako.” Sabi niya bago lumabas ng kwarto ko.

Nag-aaral ako ngayon para bukas. Mabuti na lang at umuulan at hindi ako kinakapitan ng katamaran ngayon. Ginaganahan kasi akong magbasa tuwing ganitong malamig ang panahon.

Inabot ko ang binder ko at hinahanap ang page na sinabi ni sir Eric.

Habang nililipat ang mga pahina ay nahagip ng paningin ko ang bag ko. Naalala ko ang wallet na kakakuha ko lang kanina.

Saglit kong binaba ang libro at inabot ang bag sa ilalim ng study table.

Tumitig ako saglit sa reflection ko sa computer para mag-isip.

Sa kanya na lang kaya ako magpasama?

Sabi niya ay tawagan ko siya..

Kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng kama at hinanap ang pangalan niya sa contacts ko.

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃

Contacting Kenji =͟͟͞♡

Video | Speaker

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃


Binaba ko ang hawak kong highlighter nang sinagot na niya ang tawag. “Hi..”

“Akala ko hindi mo na ako tatawagan.”

“S-Sorry.. may ginagawa kasi ako kanina.” Hinawakan ko ang noo ko at pumikit.

“May kasama ka ba ngayon?”

Nilingon ko ang pintuan sa kwarto ko at nakitang nakabukas 'yon. “Wala..” Tumayo ako at dahan-dahan 'yong sinarado. “..bakit?”

“May sasabihin sana ako sa'yo..”

Nanatili akong nakatayo. “Ako din, may sasabihin.”

“Sige, yung sa'yo muna.”

Umiling ako kahit hindi niya nakikita. “Hindi, ikaw na muna.”

Tumahimik siya saglit, hindi ako nagsalita at hinintay ulit marinig ang boses niya.

“May naalala ako last year. Tungkol 'to sa school raid.”

Hindi ko inaasahang babanggitin niya ang school raid kaya hininaan ko ang volume ng phone ko.

“Last year? Naalala mo ba kung anong date??”

Matagal bago siya sumagot. Inisip niya pa siguro kung kelan 'yon nangyari. Matalas naman ang memorya ni Kenji kaya alam kong maalala niya 'yon kahit month lang.

“.. August eight.”

Nang sabihin niya 'yon ay napatingin ako sa maliit na kalendaryong katabi ng computer ko.

Isang buwan bago mangyari ang insidente..

“Anong nangyari noon?”

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now