Chapter XXXIV

74 7 5
                                    

Chapter 34.

Nagising na lang akong katabi ni Kenji. Hapon ang schedule niya ngayon kaya hindi ko na siya ginising.

Hinanda ko ang sarili ko habang nakatingin sa salamin. Ni-lock ko muna ang pinto bago bumaba. Pagkababa ko, naabutan ko si ate Shaye na nakaupo sa sofa habang may kinakausap sa telepono.

"Kailan po dadating si attorney Zhea?" Tanong ko nang makalapit.

"Maya-maya." Sagot niya at tinuloy na ang pakikipag-usap niya sa phone.

Sinulyapan ko ang kusina bago bahagyang nag-isip. Kung sa taas na lang kaya ako kumain? Para sabay kami.

"Ah ate, pwedeng sa kwarto na lang ako mag-almusal?"

"Ha? Sige.. Gusto mo bang ipaghanda kita?" Tanong niya sa akin at umiling naman ako.

"Hindi na po."

"Okay sige." Sabi niya kaya tumayo na ako at naghanda na ng breakfast para sa dalawang tao.

Maingat ko 'yong ginawa at hindi na ako nagtimpla ng isa pang kape para hindi ako mahalata ni ate. Madalang din naman akong uminom ng kape sa umaga kaya ayos lang sa 'kin.

Pasimple kong sinulyapan si ate Shaye bago ako pumanik. Mukang busy pa rin siya sa telepono kaya hindi ko na siya inabala pa.

Pagkapanik ko ay wala na akong naabutan. Lumingon ako sa banyo dahil rinig ko ang buhos ng shower doon. Mukang naliligo siya kaya umupo ako at hinintay siyang matapos.

Wala pang limang minuto ay lumabas na siya. Wala siyang damit pang-itaas at tuwalya lang ang bumabalot sa baba niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Kim.." Tawag niya sa akin kaya wala akong nagawa kun'di magtaas ng paningin. "Para sa 'kin 'to? Hindi ko 'to kayang ubusin."

Umiling ako. "Para sa 'ting dalawa 'yan.."

"Akala ko naman." Sabi niya at umupo na sa kama at sinimulan nang haluin ang kapeng tinimpla ko.

"H-Hindi ka muna ba magbibihis?" Naiilang na tanong ko.

"Pagkatapos ko." Sagot niya. Kumuha siya ng pandesal at hinati 'yon sa maliit na piraso bago 'yon sinubo sa akin. "Kumain ka na din, sabayan mo 'ko."

At gaya nga ng sabi niya ay sinabayan ko siya. "Anong oras ka aalis?" Tanong ko.

"Ten."

Maya-maya pa ay natapos na din kami kaya nagsimula na siyang magbihis.. sa harapan ko.

Wala tuloy akong nagawa kun'di tumalikod. Kung hindi ako nakatalikod agad ay baka kung ano nang nakita ko.

"Bakit ka tumalikod? May boxer naman ako, Kim." Sabi niya at ramdam ko na ang presensya niya sa tabi ko kaya alam kong tapos na siyang magbihis.

"Dapat sinabi mo." Naiilang na sabi ko at tumawa naman siya ng mahina. "Bakit mo 'ko tinatawanan?" Nakakunot noong tanong ko.

"Wala. Ang cute mo kasi." Sabi niya at pinisil ang pisngi ko. "Good luck mamaya ah. H'wag ka ulit masyadong mag-aalala."

Nagbaba ako ng tingin nang maalala ko ang mangyayari mamaya. Sana maging maayos ang sitwasyon mamaya.. hindi sana mangyari ang inaasahan ko.

Niligpit na niya ang mga pinakainan at pagkatapos no'n ay binuhat ko naman ang tray. "Baba ko lang 'to ah." Sabi ko at tumango naman siya sa akin.

"Balik ka agad."

Mabilis ko lang 'yong binaba at kung dati ay hinuhugasan ko 'yon agad, ngayon ay iniwan ko lang sa lababo. Nagpaalam ako kay ate na mamaya ko na long 'yon huhugasan.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now