Chapter IV

148 12 13
                                    

Chapter 4.




“Eh kung sakalin kaya kita?”

Tahimik akong nakaupo, hinihintay ang cue ng nurse sa akin kanina. Gusto kong manood ng TV sana kaso ang masyadong maingay yung tatlong lalaki sa harapan ko. Wala na akong nagawa kun'di ang maglaro sa iPad.

Habang busy ako kakalaro, ang katabi ko naman ay napapansin kong pinapanood niya akong maglaro. Buti nga at tahimik lang siya kaya 'di ako nadi-distract sa ginagawa ko.

“'Diba may lagnat ka? Ba't ka nag-iiPad?”

Bahagya pa akong napasinghap pagkarinig ng boses niya. Pinause ko saglit ang iPad ko bago ko siya nilingon. Bumungad sa akin ang inosente niyang tingin. Hindi ko alam kung mas matanda siya sa akin, o mas bata.

Tinanggal niya ang earphone sa kanan kong tenga pero hindi ako nakapagsalita dahil mahinahon lang niya 'yong ginawa. Tinignan ko siya at balak na sanang tanungin kung bakit niya 'yon ginawa pero may ibang tanong na pumasok sa isip ko. “Pa'no mo nalamang may lagnat ako?” Nagtataka kong tanong. Paano niya nalamang may lagnat ako? 'Di ko naman siya kinausap kanina.

Nagkibit-balikat siya. “Hula ko lang.”

Nanatili akong nakatitig sa kanya habang siya naman ay napansin kong nakatingin siya sa leeg ko. Nagtaka tuloy ako doon. Kwintas ko ba ang tinitignan niya? "Hoy. Anong tinitignan mo? Akin 'to ah." Sabi ko sabay hawak sa pendant ko. Pinanghihinalaan niya bang hindi sa 'kin 'to?

Hindi siya sumagot sa 'kin kaya mas lalo akong nagtaka. Napasinghap ako nang walang ano-ano'y nilagay niya ang kamay niya sa leeg ko. Dinampi niya ang likod na bahagi ng kamay niya at inalis din yun agad.

“Sobrang init mo.” Sabi niya sabay himas ng kamay niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. “May lagnat nga 'diba?” Sagot ko pero mahina lang 'yon dahil may security guard malapit sa 'min. Isusuot ko na sana ulit ang earphone ko nang magsalita ulit siya.

“Wala kang kasamang magulang?” Sabi niya. Umiling lang ako bago ko sinuot na ang earphone sa tenga ko.

“Wala, kaya ko namang mag-isa.” Sagot ko sa kanya, kahit ang totoo ay may kasama ako. Si tito Wenzel. Schedule niya daw kasi dito ngayon sa hospital na 'to kaya pinabilin ako ni ate sa kanya. May work kasi si ate kaya 'di niya ako nasamahan.

Naglaro na ulit ako habang 'yung katabi ko naman ay doon na tumingin sa tatlong lalaking nasa harapan namin. Kilala niya ata yung mga yon. Kanina pa siya kinakausap ng mga 'yon pero hindi niya iniimik.

Iniisip ko tuloy kung suplado ba siya. Pero mukang hindi naman kasi kinakausap niya ako eh.

Habang naglalaro ako ng Pixel Gun ay bigla akong napalingon sa kanya dahil nakita kong lumingon siya sa akin. Bakit siya lumingon? May sasabihin ba siya ulit? Tumingin siya sa ibang direksyon kaya napatingin din ako doon. “'Yon yung mama ko.” Sabi niya.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now