Special Chapter III

181 7 44
                                    

Part 3.

Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.

Alam kong nagtutubig na ang mga mata ko ngayon kaya pinunasan ko 'yon bago pa tumulo.

Tahimik akong umalis sa pwesto na 'yon bago pumunta sa restroom.

Nang makapasok sa isang cubicle ay tinakpan ko ang muka ko gamit ang dalawang palad. Doon ako humikbi.

Ano 'yun? Para saan 'yon? Bakit kailangang halikan?

Ilang minuto akong nagtagal doon hanggang sa napagdesisyunan ko nang umuwi.

Lumabas ako ng nakatungo habang pinipigilan ang emosyon ko.

Hindi na ako nag-abalang lumingon pa sa kung saan at tuloy-tuloy lang akong tumungo sa exit.

Nang makalabas ay huminga ako ng malalim habang ramdam ko pa rin ang init sa mga mata ko. Naninikip na rin ang dibdib ko pero mas pinili kong 'wag umiyak.

Pero trinaydor ako ng sarili ko kasi naramdaman ko na lang ang mainit na likidong tumulo sa pisngi ko.

Wala na akong nagawa kun'di humikbi ng tahimik habang nakatayo dito sa labas. Wala na akong pakielam kung magmuka man akong bata sa sitwasyon ko ngayon.

Nasasaktan ako at hindi ko alam kung paano 'to mawawala.





Dumiretso ako sa Hamil Tavern. Blanko ngayon ang isip ko at hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko kanina pagkababa ko ng taxi.

Tuloy-tuloy lang ako sa pag-inom habang pilit na inaalis sa utak ko 'yung nakita ko kanina.

"Sinong maghahatid sa'yo?" biglang sabi ni Irish kaya napatingin ako sa kanya. Sa oras na 'yon ay bigla ko na namang naramdaman yung paninikip ng dibdib ko.

"M-May itatanong ako.." nahihirapan kong sabi.

"Ano?" sabi niya habang nakatingin sa hawak niyang wine glass.

"May gusto ka ba sa 'kin?" wala sa sariling sabi ko.

Napakunot ang noo niya at wala pang ilang saglit ay napalitan din 'yon ng tipid na ngiti. "Gusto mong malaman? Oo, pero may boyfriend ka na. Hindi ako pumapatol s—" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang halikan ko siya.

Ayokong gawin 'yon pero nadala ako ng emosyon. Naiinis ako, naiinis ako kasi hindi niya 'to nakikita ngayon.

Hinawakan ni Irish ang balikat ko bago ako dahan-dahang tinulak.

"Kim, ano ba??"

Galit siyang nakatingin sa akin. Hindi ako nakasagot at napatitig lang sa bote ng alcoholic wine sa harapan ko. Aabutin ko na sana 'yon nang maramdaman ko ang pagvibrate ng phone sa bulsa ko.

Nakita ko ang pangalan niya sa screen pero kahit mahirap ay hindi ko 'yon pinansin. Ini-silent ko muna 'yon bago nilapag sa table.

"Lasing ka na." sabi ni Irish na may bahid ng galit sa mga mata. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay naiilang siya sa akin.

"S-Sorry," sabi ko, umiling naman siya sa akin. Galit ba siya? Nagsisisi na tuloy ako. Hindi ko naman 'yon gustong gawin.. "H-Hindi ko 'yon sinasadya." mahina kong sabi.

"Tsaka ka na magsorry kapag hindi ka na lasing." nakakunot noo pa rin niyang sabi.

Nakita kong umilaw na naman yung phone ko pero hindi ko ulit 'yon pinansin. "A-Alam mo kung saan yung Gearia? Y-Yung condominium." nahihirapan ko pa ring sabi.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now