Chapter XXXVI

95 7 22
                                    

Chapter 36.

Kim's POV

Pagkalipas ng ilang araw, halos mainip ako sa loob ng bahay tuwing wala akong kausap o magawa.

Bumisita ulit si attorney Zhea dito kanina para ipaalam ang schedule sa first trial ko.

Kinakabahan ako at hindi ko 'yon kayang itago ngayon.

"Gusto mo dito muna ako matulog?" Nag-aalalang sabi ni Kenji.

Saglit akong tumingin sa mga mata niya bago tumango. "Dito ka muna ulit."

Tumango si Kenji at hinalikan ang ulo ko. "Hindi ako makakapunta sa 2nd trial mo." Bigla niyang sabi.

Nag-aalala ko siyang tinignan. "Bakit?"

"May mahalaga akong pupuntahan.." Sagot niya na agad ko namang inintindi.

"B-Basta.. mag-iingat ka lang palagi." Sabi ko at tumango naman siya at ngumiti. Umiwas ako ng tingin at ininom na ulit ang hawak kong gatas.

Pinanlisikan niya ako ng mata at bahagyang sinubsob ang muka niya sa leeg ko kaya napabuga ako sa iniinom.

"A-Ano ba 'yang ginagawa mo?"

"Natutulog. Kim, hayaan mo akong matulog." Sabi niya pero umiling ako.

"D'yan ka matulog." Sabi ko sabay turo sa kama.

"Hindi ako kumportable d'yan."

"Kenji naman, p-pa'no ako makakatulog kung nararamdaman ko ang paghinga mo sa balat ko?" Reklamo ko sabay lapag ng baso, ngumiti lang siya sa 'kin.

"Oo na. Goodnight." Sabi niya at humiga na.

Hindi ko inaasahang hahatakin niya din ako pahiga kaya napasinghap ako. Dahan-dahan niya akong kinumutan bago yumakap sa akin.

"Bukas Kim.. galingan mo ah?" Malambing niyang sabi. Matagal ko siyang tinitigan bago tumango.

Alam kong tungkol sa trial ang tinutukoy niya kaya nakaramdam ako ng takot.

"Kinakabahan ka?" sabi niya sabay hawak sa kamay ko. "Kaya mo 'yan, may tiwala ako sa'yo." sabi niya sabay tingin ng malalim sa mga mata ko. Bago pa ako malunod sa mga titig niya ay dinampian na niya ako ng halik sa noo. "Goodnight,"

Ngumiti ako ng tipid. "Goodnight.."

Habang nakapikit ay hindi inaasahang pumasok bigla sa isip ko si Mrs. Vergara. Iniisip ko kung kasama niya ba si Antonette ngayon.. Kung kasama man niya, gusto ko sanang lumapit at humingi ng tawad.

Pero paano kung itaboy niya 'ko?

Dahan-dahan akong dumilat nang makaramdam na naman ako ng takot. Lumingon ako kay Kenji at sumiksik sa tabi niya.

"Bakit?" Bulong niya sa 'kin.

Wala akong sinagot at sinubsob lang ang sarili ko sa kanya.

Kinagat ko ang labi ko at pilit na pinapakalma ang sarili. Ayoko nang isipin ang mga posibilad kaya pinilit ko ang sariling makatulog.

Nagising ako sa sinag ng araw. Naabutan ko na lang din si Kenji na inaayos ang kama ko. Naka uniform na siya at doon ko lang naalala na may pasok pala ngayon.

"Kim.." Gulat niyang sabi nang makita ako. "Aalis na 'ko ngayon."

Tumango ako at bumangon bago siya niyakap. "Ingat." Sabi ko at tumango naman siya.

Nang mapansin kong sa pinto siya dadaan ay sumabay na ako sa kanya. Maingat kaming bumaba. Walang tao sa labas kaya malaya siyang nakalabas ng pinto. Sinilip ko pa siya sa bintana hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now