Chapter XXIV

106 6 7
                                    

Chapter 24.

Habang nakatulala sa labas ng bintana ay biglang may nilapag si ate Shaye sa ibabaw ng hawak kong unan. Tinignan ko 'yon at nakita ko ang phone ko. Nagtataka ko siyang sinulyapan.

"May importanteng sasabihin daw sa'yo si Ashley."

Hindi ako nagsalita at kinuha na ang phone sa harapan ko. Hindi ko alam kung galit siya sa akin. Kanina ko pa kasi natutunugan ang pagkaseryoso sa boses niya.

Pag-open ko ng phone, bumungad agad sa akin ang pangalan ni Ashley.

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃

● Ashley

Kim, sagutin mo tawag ko. may importante lang akong sasabihin

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃


At pagkabasa ko nga no'n ay nagvibrate bigla ang phone sa kamay ko. Tumatawag siya kaya sinagot ko 'yon agad.

"Kimm!!"

"Bakit??" Mahina kong sabi.

"Tignan mo yung convo natin sa isang number mo."

"Ah.. w-wait." Sabi ko sabay switch ng contacts.

Doon nakita ko ang mga text message.. na hindi ako ang nagsend.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago nagtipa.

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃

KIMMY 06
Nabasa ko na ashley

ASHLEY X WINWIN
Sino si Wensci???

KIMMY 06
Wag mo na syang isipin kasi nakausap
naman na namin sya kahapon

ASHLEY X WINWIN
Talaga?? eh sino nga siya?

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃


Huminga ako ng malalim, iniisip kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi pero sa huli ay kinuwento ko din sa kanya lahat. Alam kong hindi niya ako patatahimikin kung sakaling hindi ko 'yon sabihin.

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃

ASHLEY X WINWIN
SINASABI MONG NILIGTAS MO SIYA?

ASHLEY X WINWIN
ay sorry napindot ko yung capslock

KIMMY 06
Oo kasi muka kasing hindi niya ala m
kung saan magtatago

ASHLEY X WINWIN
Edi buti na lang pala nakita mo siya??
Sent 2 minutes ago.

KIMMY 06
Nakita mo ba si kenji?

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃


Kinagat ko ang labi ko nang mai-send ko 'yon. Natatakot ako. Alam kaya niya yung tungkol sa video? Hindi ko alam kung ano nang sinasabi doon ng mga tao pero wala akong pakielam. Kailangan kong malaman kung anong meron sa kanila ni Ariane.

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃

ASHLEY X WINWIN
hindi e, bakit?

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now