Chapter XXXIII

81 7 12
                                    

Chapter 33.

III Person's POV

The moment Kenji entered the school, whispers about the case started to fill the air. The news has spread rapidly since last night.

Hindi niya 'yon pinansin at dumiretso na sa building. Hours and hours of lectures, halos walang pumasok sa isip niya.

"Oyales."

Bumalik lang siya sa reyalidad nang marinig niya ang apelyido niya. Tumayo siya nang mapansing nakatingin sa kanya si miss Flores.

"Sino ang nagsulat ng tulang 'A la juventud Filipina'?"

Saglit siyang tumingin sa baba at doon nakita niya si Ariane sa sumiring sa kanya. Ariane murmured the answer to him kaya tumaas na ulit ang paningin ni Kenji.

"Si Jose Rizal po.. miss."

Sumenyas na ang guro para paupuin siya kaya agad siyang sumunod.

"Okay ka lang?" Bulong ni Ariane sa kanya.

Hindi sumagot si Kenji at hinimas lang ang noo nito.

"Dapat hindi ka na pumasok kung wala ka sa sarili. Sinamahan mo na lang dapat si Kim." Bulong ulit ni Ariane.

Huminga ng malalim si Kenji bago nilingon ang katabi. "Hindi pwede. Mahahalata ako kung hindi ako pumasok.." Mahinang sagot niya.

Lumipas ang oras at tanghali na. Kasalukuyang naglalakad ngayon si Kenji papuntang Swan Lake kung saan naka-locate sa likod ng building ng faculty. Doon kasi niya sinabi kina Claude na doon na lang maglunch.

"Kamusta si Kim?" Nag-aalalang tanong ni Mathew.

Nagbaba ng tingin si Kenji. Hindi niya alam kung anong isasagot dahil siya mismo ay hindi maganda ang pakiramdam.

"Everything will be okay soon, saglit lang 'to kaya 'wag mong lunurin ang sarili mo kakaisip.." Sabi ni Claude habang hinahalo ang pasta sa bento box ni Kenji. "Kain na."

Nakatingin lang si Mathew sa kaibigan, tinatanya niya ang emosyon ngayon ni Kenji. Parang bumalik ang dati kung saan umalis si Kim sa ibang-bansa. Ganitong-ganito ang Kenji na nakita nila noon. Palaging tahimik at ramdam mo ang lungkot.

"Gusto kitang samahan palagi kaso madami din akong ginagawa.." Nag-aalalang sabi niya.

Nagtaas ng tingin si Kenji kay Mathew. "Kaya ko ang sarili ko, 'wag kayong mag-alala sa akin." Mapupungay na mga matang sagot ni Kenji.

Tinapik-tapik ni Mathew ang likod ng kaibigan. Alam niyang malakas si Kenji pero alam niya ding may dinadala na naman ito kaya hindi niya maiwasang mag-aalala.

Lumipas ang oras at natapos na ang klase. Uwian na at hindi inaasahan ni Kenji na may sasabay sa kanyang isang estudyante habang papalabas ng paaralan.

"Hindi ba Ikaw yung boyfriend ni Kim?"

Nilingon niya saglit ang katabi niya, hindi din 'yon nagtagal at inalis niya ang paningin sa kanya. Lumayo siya dito at mas binilisan ang lakad bago hinanap agad si Winston.

"Kuya!"

Lumingon siya kung saan nanggagaling ang boses. Boses 'yon ng kapatid niya. Lumapit siya dito at hinanap ang kotse nila.

"Nasa hospital naka park, kuya. Wala na kasing bakante dito.." Sagot ni Winston. Hindi na nagtanong pa si Kenji at sumunod na sa kapatid niyang maglakad.

Nang makarating sila sa hospital ay saglit na natigilan si Kenji. Naalala niya ang mangyayari na namang masama sa susunod na araw. May mangyayari ulit na pagsabog pero hindi niya alam kung saang hospital. Wala pa siyang kumpirmasyon na natatanggap simula nang malaman niya ang tungkol doon.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now