Chapter XVII

148 9 5
                                    

Chapter 17.

▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄

BUZZ ANCHOR NEWS UPDATES 𖤘
Published ❒ January 13

[ARTICLE]
CCTV at Lakeshore University has been recovered.

READ: 1 out of 5 of the suspects was allegedly been found. Surprisingly, it was a student from the said school. Crimson's general police said the information is still in the process of being finalized.

9.8K likes    |  13K Comments  |   17K Shares

▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄

Inline comments

Rhianne Sarmiento
Sabihin niyong mali yung nakita kong video

Aivan James
Hoy jowa ni @Kenji Oyales yong nasa video??

Olivia dump
i always been knew something's off to Kim. akala mo mabait, may tinatago din pa lang baho 😂

Haidee Medina
I just muted him from all the socials then saw this :D

Esther Seria
pogi pa man din. sayang









"Kim, bakit hindi mo sinabi sa amin??"

Pagkauwi ay kinuwento agad ni Kim sa ate niya ang aksidenteng nangyari noon. Hindi na niya na kaya pang itago pa dahil kinakain na siya ng emosyon.

Pabalik-balik ng lakad si Shaye sa harapan ng kapatid. Hindi alam kung anong mararamdaman sa nalaman niya. Sa kabilang banda, kanina pa nakatungo si Kim at pinipigilan ang sariling 'wag umiyak.

"Kim naman, dapat kami ang una mong sinabihan. Kami ang pamilya mo." Galit na sabi ni Shaye.

Habang pinapagalitan ni Shaye ang kapatid, si Kate naman ay kanina pa magkasalubong ang kilay dahil sa mga nababasa niyang hindi ka-aya-aya tungkol kay Kim. Kumalat na kasi ang CCTV footage kahit hindi pa man nilalabas ng mga media ang nasabing video.

"Bakit ang bilis nilang manghusga??" Ang nasabi na lang ni Kate habang nakatutok sa phone.

Sinulyapan ni Shaye si Kate at hinablot ang phone sa kamay niya. Nakakunot noo niya 'yong binasa.

Wala pang sampung segundo ay binaba niya ang phone at binalik sa lamesa.

"Pakikuha nga ako ng tubig." Utos niya kay Kate habang hinihimas ang noo.

Binalik niya ang paningin niya kay Kim na ngayo'y lumuluha na ng tahimik. Saglit niyang tinitigan ang kapatid bago magsalita.

"Ikukuha kita ng lawyer kung sakaling ma-finalize ng mga officials ang kaso mo." Seryosong sabi niya.

"S-Sorry ate." Humihikbing sabi ni Kim.

Sandaling lumambot ang mga mata ni Shaye nang makitang nahihirapan ang kapatid niya.

"A-Anong gagawin ko kapag nakulong ako?" Mahinang tanong ni Kim.

Pumikit si Shaye at bahagyang pinunasan ang luha ng kapatid. "Hindi 'yon mangyayari, Kim. Kaming bahala sa'yo, okay?"

Pinunasan ni Kim ang luha niya at huminga ng malalim. "Pupuntahan ko muna si Marcus.. P-Pwede ba?"

Matagal bago siya sumagot.

Anterograde TomorrowWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu