Chapter XXVIII

96 6 23
                                    

Chapter 28.

Kim's POV

Nawala ang kaninang iniisip ko nang maramdaman ko ang presensya ni ate sa may bandang likod ko.

"Uuwi na tayo." Sabi niya sabay lahad ng kanang kamay sa akin. Tinanggap ko yon at inalalayan akong tumayo.

Hindi ako nagsalita at sumunod lang sa kanya papunta sa kotse. Nang makapasok ay sinuot ko na ulit ang hoodie ko. Mahirap na at baka may makakita sa akin. Hindi pa naman tinted ang porch ni ate Kate.

Mabilis kaming nakarating sa bahay dahil walang traffic. Pagkababa ay dumiretso agad ako sa sala para maupo.

Ginugulo pa rin ni Kenji ang isip ko. Lahat ng away na naalala ko sa kanila ni JJ ay bumabalik sa akin. Kung bakit ba kasi nakita ko pa ang sugat sa kamay niya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-aalala.

Bumuntong hininga ako. Palagi na lang siyang hindi nagsasabi.

"Oh bakit malungkot na naman yang muka mo? Ops! 'Wag nang magdahilan." Pigil sa akin ni ate Kate kaya bumaba ang mata ko sa sahig. "Teka, nasara ko ba yung gate?? Tignan mo nga saglit."

Hindi ako nagsalita at sumunod na agad sa kanya. Tumayo ako at walang ganang binuksan ang pinto.

Hindi pa man ako nakakailang hakbang ay natigil na ako sa kinatatayuan.

Nakita ko si Shannon sa tapat ng gate. Mukang pipindot pa lang siya sa doorbell kaya tumakbo na ako palapit sa kanya.

"Oh.. Hi." Sabi niya sa akin sabay ngiti.

Saglit ko siyang pinagmasdan. Nakasuot siya ng checkered red polo at itim na slocks. Muka siyang pormal sa suot niya. Bakit siya nandito?

"Excuse myself. My clothing is somewhat formal. Kakagaling ko lang sa church."

Umiling ako. "Okay lang." Sabi ko, sasabihin ko pa sana na bagay naman sa kanya yung suot niya pero bigla kong napansin na hindi ko pa pala nabubuksan yung gate para sa kanya kaya binuksan ko muna yon. "Sorry." Nag-aalangan kong sabi. "Gusto mo bang pumasok sa loob ng bahay?"

Marahan muna siyang luminga sa paligid bago sumagot. "Ikaw talaga yung pinunta ko dito." Seryoso niyang sabi kaya nagtaka ako.

"Anong kailangan mo sa 'kin?"

"I believe you're innocent." Sabi niya, napaisip pa ako kung sino ang tinutukoy niya, pumasok naman agad sa utak ko ang muka ni Wensci. "I'm not fully convinced by Vincent. You have to come with me." Bigla niyang sabi.

Napaatras ako ng isang hakbang. "Ngayon ba?" Kinakabahan kong sabi. Saan naman niya ako dadalhin?

"I'm not gonna hurt you." Nakakunot-noo niyang sabi. "Stop acting that way. I'm not.. like what you think."

Sinulyapan ko saglit ang pinto ng bahay bago tumingin ulit sa kanya. "Hindi ako pwedeng lumabas.."

"I am aware. That's why I'm gonna go in, and ask your sister for permission. Now.. let me." Mahinahon niyang sabi kaya wala na akong nagawa kun'di sundin siya.

Kinagat ko ang labi ko nang makapasok siya sa loob ng bahay. Hindi ako sumunod sa loob at balak na lang pakinggan ang pag-uusap nila. Kung papayagan man siya nila ate, kailangan ko din bang pumayag?

Iniisip ko pa lang ay natatakot na ako. Buo na ang desisyon ko. Hindi ako sasama.

Napasinghap ako nang biglang bumukas ang pintuan, bumungad sa akin si ate Kate. Nagulat din siya nang makita ako. Nang walang nagsalita sa amin ay hinawakan niya ang wrist ko at hinila papasok sa loob.

"Hindi ba pwedeng ako na lang ang sumama sa'yo?" Rinig kong tanong ni ate Shaye.

"He made it clear that I shouldn't bring anyone else, just Kim."

Anterograde TomorrowNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ