Chapter VIII

114 10 11
                                    

Chapter 8.


"Bakit naka pokerface ka, Kim? Ikaw lang ang walang emosyon dito."

Araw ng sportfest ngayon kaya makikita mong masaya ang mga estudyante. Well, maliban sa akin.

"Absent ang baby niya."

"Pa'nong 'di 'yan sisimangot, e may lagnat ang lovey dovey niya."

"Aww hahaha kaya pala wala akong nakikitang Kenji dito."

Sumimangot ako. "Tara na nga." Yaya ko at hinila sila sa mga nakahilerang food stall.

"Sarado pa yung kela Irish. Gusto ko pa naman sanang kumain ng corndog." Nanghihinayang na sabi ni Wirose. Lumingon ako sa cart nila Irish at nakitang may nakapatong pa nga ditong puting tela.

"Uy, si Claude ba 'yon??" Nilingon namin ang tinuro ni Faith at nakita nga namin si Claude na nagbebenta ng popcorn. "Tara!"

"Tindero sa gabi, estudyante sa umaga." Biro ni Ashley. Tumawa naman si Faith kaya sumingot si Claude sa kanya.

"Ano naman kung tindero? Masama ba? Atleast may pera ako mamaya." Parang batang depensa sa sarili.

"May sinabi ba akong masama? Oh Ulap, dumidilim ka na naman. Pabili na nga lang."

Nilabas ko din ang wallet ko para kumuha ng pera, kaso nakita kong tig 100-500 ang laman ng wallet ko. Mukang napansin 'yon ni Claude kaya tinawag niya ako.

"Wala akong barya d'yan, Kim. Magpapalit ka muna sa cafeteria!" Sabi niya sabay taboy sa akin.

Sinimangutan ko siya at humarap kay Miho. "Psst. may barya ka?"

"Wala eh. Oi Claude ilibre mo na 'to. Isusumbong kita kay Kenji pag hindi mo 'to binigyan."

"Luh, ang daya ah."

Sa huli ay ako din ang nagtagumpay. Binigyan niya ako ng cheese flavor kaso nga lang hindi niya pinuno. Hindi na ako nagreklamo dahil mas mabuti na 'yon kesa sa kalahati lang.

"Salamat master!" Asar ko sa kanya at siya naman ay binato ako ng isang pirasong popcorn.

Binelatan ko muna siya bago tumakbo.

"Pasalamat ka jowa ka ng tropa ko!" Rinig kong sigaw niya.

Sumunod naman sa akin si Ashley na ngayo'y nakangiti sa akin. "Miss mo na 'no?"

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now