Chapter XV

124 9 6
                                    

Chapter 15.

Kinabukasan ay pumunta agad ako sa principal's office para i-report ang natanggap kong tawag kahapon.

Hindi ko alam kung nantitrip lang yung tumawag sa akin pero hindi din posibleng kasabwat nila yung mga suspect noong nakaraang taon. Hindi pwedeng hindi ko 'yon pansinin.

"Miss Marina.. pwede ba kayong makausap?" Tanong ko sa kanya nang makapasok ako sa office.

Binaba niya ang salamin at tumingin sa akin. "Simulan mo nang magsalita."

Tumingin muna ako sa kamay ko bago magsalita para mabawasan ang kabang naramdaman ko.

"May unknown number po na tumawag sa akin kahapon.." Lumipat ang paningin ko sa malaking painting. ".. Russian po siya." Tumikhim ako.

Hindi siya sumagot at nakatitig lang sa akin ng malalim.

"Naalala mo pa yung pag-uusap niyo?" Tanong niya sa akin habang may sinusulat.

Tinaas niya ang tingin niya sa akin nang hindi ako sumagot kaya tumango ako. "May mangyayari daw po ulit... na gagawin nila ulit yung nangyari."

Nagsalubong ang kilay niya sa akin. "Do they sound serious?"

"Yes.." Sagot ko, nakababa na ang tingin.

"Ipasa mo sa 'kin yung number." Sabi niya sa akin kaya kinapa ko ang phone sa bulsa ko.

"H-Hindi ko po dala."

Nanatili siyang nakatingin sa akin kaya nag-iwas na ako ng tingin. Bakit ba siya laging ganyan tumingin? Nakakatakot.

Pumilas siya ng papel at may kung anong sinulat doon. Inabot niya 'yon sa akin at nakita kong sinulat niya ang phone number niya.

"I-Text mo na lang sa akin." Sabi niya. "Oh ano pang hinihintay mo? Wala ka bang klase?"

Nilagay ko muna ang papel sa bulsa ng polo ko bago sumagot. "Thank you." Sabi ko at umalis na ng office.

Pinunasan ko ang butil-butil na pawis sa noo ko. Malamig naman doon pero pinagpawisan pa rin ako.

Lumipas ang oras at lunch break na. Sinamahan ko si Mathew sa cafeteria. Madalas kasi ay siya lang ang nagpupunta doon tuwing lunch break kasama ang kaibigan niya.

"Buti na lang sinamahan mo ako." Sabi ni Mathew habang hinihintay ang order niya.

"Bakit nga pala wala si Stanley?" Tanong ko.

"May competition sila sa OliveWood. 'Diba nanalo team nila?"

"Kasama ka sana doon kung tinuloy mo lang yung training mo." Sabi ko at sasagot na sana siya nang biglang tinawag ang number ng table namin kaya tumayo na si Math at kinuha ang order niya.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magvibrate ang phone ko. Napasinghap ako nang maalala ang sinabi sa akin ni miss Marina. "Yung number nga pala."

Mabilis kong kinuha ang phone sa bulsa ko at plano na sanang i-text na si miss nang makitang biglang nagpop-up ang unknown number na sinave ko kahapon.

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃

091086032XX
| marked as anonymous


Anonymous sender
Search the bombs.

Anonymous sender
Предупредить учащихся в
Avondale Ward.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now